Dirty Mind
"Hoy Jacob, saan mo 'ko dadalhin?"
"Sa clinic," maikli nitong sagot.
"Saglit nga," huminto ito sa paglalakad at dahil sa nakahawak pa rin sa kanya si Jacob ay napahinto rin ito.
"Maliit na sugat lang naman 'to."
"Ang maliit na sugat kapag hindi naagapan magkaka-impeksyon at lalala," sabi nito at muli siyang hinila pero hindi pa rin nagpapatinag si Samantha at nanatiling nakatayo doon.
"Maalam ka pa eh katawan ko 'to, kung gusto mo ikaw na lang ang pumunta sa clinic tapos ako babalik na 'ko do'n," kanyang hinigit ang kanyang kamay mula dito at tinalikuran si Jacob at naglakad pabalik. "Baka hinahanap na 'ko ng asawa ko" bulong panito.
Hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman na lang nya na lumulutang siya. "Ahhh!" Bigla na lang siyang binuhat ni Jacob. "H-hoy! anong ginagawa mo! Ibaba mo 'ko!"
Pero hindi ito sumunod. Sa tuwing may makakasalubong sila ay napapatingin ang mga ito sa kanila.
"Ang sweet naman."
"Si Sam 'yon 'di ba?"
"Oo, sino 'yong lalaki?"
"Boyfriend niya ata."
"Bagay sila."
Samantha's face flushed. Kanyang tinakpan ang kanyang mukha ng kaniyang kamay para iharang ito sa mga tao para hindi siya makilala.
Aarrgg bulag ba sila! Lalaki siya tapos sabi nga ni JF tomboy ako. Saka, kay JF lang ako, sa kanya lang.
"Jacob!"
"Huwag ka ng makulit, mas lalo tayong pinagtitinginan."
"Ikaw kasi, ibaba mo na 'ko."
Hindi pa rin ito nakinig sa kanya. "Arrgg Oo na, pupunta na 'ko sa clinic!" Wala ng nagawa si Samantha kundi sumunod sa gusto nito.
Napangiti naman si Jacob sa narinig nya. "Ano ulit 'yon?"
"Sabi ko, oo, payag na 'ko. Kaya please pakibaba na po ako."
"Masusunod," at dahan-dahan nitong ibinaba si Samantha.
Samantha rolled her eyes "tara na," at na una na siya sa paglalakad.
.....
'Knock!'
'Knock!'
"Come in."
Pagbukas ni Jacob ng pinto, bumungad sa kanila ang isang babae na medyo dalaga pa, "good morning ma'am."
"Morning, anong kailangan nila?"
"Ahh ma'am ito pong kasama ko nasugatan po siya kanina. Hanggang ngayon hindi pa rin po tumitigil ang pagdugo ng sugat nya."
Napatingin naman ang babae sa tabi ni Jacob. "Sam right?"
"Yes, miss beautiful."
Napatawa naman ang babae sa sinabi nito. "Umupo muna kayo," at kinuha nito ang mga gamit na gagamitin para sa sugat ni Samantha.
"Ma'am, pa'no n'yo po na laman ang pangalan 'ko?" Takang tanong ni Samantha dahil hindi naman ito pumupunta sa clinic, sa katunayan ay ito ang una nyang beses na makapunta rito.
"Pa'no naman kita hindi makikilala, eh lagi kang bukang bibig ng mga estudyante ko ang name mo." Napatawa naman ang guro sa kanyang na alala. "Si Ana nga ang wallpaper nya sa phone ay ang picture mo."
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...