chapter 31

56 4 0
                                    

Rejected

Malulutong na tunog mula sa pagkain ng mga aso lamang ang maririnig sa paligid, hanggang sa mag-ring ang cellphone ni Alvin, pagtingin sa kanyang phone ay mayro'n itong text message mula kay Felix. Pagkabasa dito ay kanya itong muling binalik sa bulsa. "Ayos na raw, nakuha na."

"Pa'no ang mga aso?" Jacob asked.

Kinuha ni Alvin ang lunch box mula sa mga aso na ngayon ay wala ng laman, kanyang sinubukang hawakan ang balahibo ng isang aso. Kabado si Alvin dahil baka kagatin siya nito, dahil galit na galit ang asong ito kanina, pero laking luwag ng kanyang paghinga ng hindi man lang ito nagalit nang hinawakan nya ang aso, kaya ay naglakas loob na si Alvin na buhatin ang aso at laking gulat nya na hindi ito nagwawala. "Pagkain lang pala ang katapat mo," natatawang sabi ni Alvin. "Buhatin mo na rin 'yong isa," na siya namang ginawa ni Jacob.

Nang makarating na sila malapit sa campus ay kanilang natanaw si Felix sa labas ng kotse, na naghihintay sa kanila. Halata ang konting pagkagulat sa mukha ni Felix ng makita ang dalawa na bitbit ang mga aso.

"Nakakagulat 'di ba? Miski nga ako nagulat, mukhang friends na kami," Alvin plays with the dog's nose.

"Where's Sam?" Jacob inquired abruptly, habang binubuksan ang gate at pinakalwan ang hawak nitong aso, na siya ding ginawa ni Alvin.

"Nasa loob ng kotse," hinintay muna ni Felix na isara ng dalawa ang gate saka ito pumasok ng kotse, mayamaya rin ay pumasok na ang dalawa.

Pagpasok nila ay kanilang napansin si Sam sa front seat na nakapikit ang mga mata. Akala ng dalawa ay natutulog ito, pero bigla itong nagsalita. "i-text n'yo na si Sarah, para makauwi na tayo," walang gana nitong sabi.

.....

"Ha? Hindi ko maintindihan, tatawag na lang ako ng pulis," at siya namang inalabas ng guard ang kanyang phone pero bago pa ito makapag-type ay pinigilan na siya ni Sarah.

"Huwag na po, kahit kayo na lang po, please tulungan n'yo po ako," pagmamakaawa ni Sarah habang sinusubukan nitong ilayo ang atensyon ni manong guard sa kanyang phone.

"Paano kita matutulungan iha, eh hindi ko maintindihan ang gusto mong sabihin."

Magsasalita na sana si Sarah ng maramadaman nya na may nag-vibrate sa kanyang bulsa. "Wait lang po," at kanya ng binatawan ang phone ni manong at inalabas ang kanyang phone.

'Ok na' -Alvin.

Pagkabasa nito ay humarap na siya kay manong, tumigil na sa pag-iyak si Sarah at may makikita pang saya sa mukha nito. "Ok na po pala sila, sorry po, sorry po talaga sa abala." Pagkasabi nito ay dali-dali ng tumakbo si Sarah palayo sa guard, na naiwang tulala sa pagkabigla sa sinabi ng dalaga.

.....

Natatanaw na nina Jacob si Sarah, na tumatakbo papalapit sa direksyon nila, nang makalapit na si Sarah sa kotse ay dali-dali na nitong binuksan ang pinto at umupo sa tabi ni Alvin. "Tara na bilis!" hinihingal nitong sabi, pinaandar na ni Jacob ang kotse. "Bakit ang tagal n'yo naman," pagaangal nito. "Hindi ko na alam kung anong sasabihin kong palusot kay manong, tapos muntikan pa siyang tumawag ng pulis!"

"You've done well Sarah, sorry," wika ni Samantha habang nakapikit pa rin ito.

"Yeah, yeah, tapos kami naman ay hinabol lang naman ng aso," Alvin remarked sarcastically.

Na siya namang ikinataas ng kilay ni Sam. "you've done well too Mr. Genius." Kahit na naiinis si Alvin dahil sa lahat nang pagod na nangyari ngayong araw na ito ay hindi pa rin napigilan ni Alvin na mapangiti ng puriin siya ni Samantha.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon