Elsa
-Samantha's house-
I am your muse and you are my escort.
She wrote in her diary.
At may cute animation ng isang babae na katabi ang kanyang escort.
Bumaba na siya sa kanyang silid na may ngiti sa labi.
"Lalalala..."
"Ang saya mo ata ngayon?"
Ngumiti lang sya ng malaki sa kaniyang ina.
Sinong hindi magiging masaya? Eh naging muse ako sa room, matagal ko na 'yong gusto simula pa no'ng bata ako pero pinipigilan ko lang para kay JF. Tapos tadhana nga naman first time kong maging muse tapos ang escort pa ay si JF. Hihihi thank you Alvin.
"Aalis na 'ko baka bukas pa 'ko makauwi kapag may kailangan ka sabihin mo kay manang Nora. Huwag kayong gumawa ng kung ano-ano rito ng mga kaibigan mo ha!" Nilapitan siya ng kanyang ina at hinalikan sa pisngi.
"Ma, si papa anong oras siya uuwi?"
"Nasa Batangas pa siya alam mo naman na nando'n ang negosyo natin baka matagalan pa bago siya makauwi," nagmamadaling sabi ng kaniyang ina at lumabas ng pinto.
"Bye ma!"
Huwag kayong gumawa ng kung ano-ano rito ng mga kaibigan mo ha!
Naisip naman ni Samantha ang sinabi ng kanyang ina kanina. "Kayo? Kaibigan ko? Ako lang naman ang nandito."
Nakarinig naman siya ng tunog ng makina ng kotsye. Dali-dali siyang bumaba para tanungin ang kanyang ina. "Ma!"
Pero huli na ang lahat dahil naka-alis na ito. "Anong ibig nyang sabihin? Baka sina manang Nora at manong guard." Pinanuod naman ni Samantha ang guard na sinasara ang gate kung saan umalis ang kanyang ina. Nagkibit-balikat na lamang siya at pumasok na sa loob.
"Dahil ako lang dito sa bahay, puwede kong gawin lahat ng gusto ko!" Masaya nyang sabi. "Lalalalala," pagkanta nya at pumasok sa room ng kanyang magulang.
Agad nyang nilapitan ang dressing table ng kanyang ina at umupo dito. Binuksan naman nya ang drawer nito na puno ng mga cosmetics.
Kanyang inalis sa pagkakatali ng kanyang buhok. At lumadlad ang kaniyang kulay brown na manipis at na mahabang buhok.
"Lalalala," siya ay kumuha ng isang kulay pulang lipsticks at inilapat ito sa kanyang labi.
"Mwuah!" lampas-lampas pa ang kanyang pagkakalipsticks.
Kinuha naman nya ang eyeliner. Masyadong magulo ang kanyang pagkakalagay dahil nanginginig pa ang kaniyang kamay.
Ang eyebrow naman ang kanyang pinagdiskitahan pero dahil sa makapal na ang kaniyang kilay. Nang nilagyan nya pa ito ng eyebrow ay maslalo lang itong kumapal.
Pagkatapos nito ay tiningnan nya ang kanyang kinalabasan. Kung iba ang makakakita nito hindi nila mawawari kung mas gumanda ba siya o pinapangit nya lang ang sarili pero para kay Sam ay mukhang maayos naman kanyang ginawa.
"Perfect!" Tumayo na siya doon at lumapit sa closet ng kanyang ina. "Lalalala."
Ang kanyang ina ay dating modelo kaya ang closet nito ay punong-puno ng mga damit na pang fashion.
Kinuha ni Sam ang isang black maxi florar dress at kanya itong isinuot. Nang sinuot nya ito ay medyo malaki ito sa kanya dahil sa ang nagmamayari nito ay ang kanyang ina.
Lumabas na siya sa kuwarto at bumaba ng hagdan habang umiikot na parang si Elsa sa movie na Frozen. "Let it go! let it go! And I'll rise like the break of dawn."
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...