chapter 33

61 5 0
                                    

Promise

Tahimik na naglalakad ang dalawa papuntang school. Muling naalala ni Samantha ang nangyari kagabi. "Don't show such an unhappy expression when you're with me, it's made me sad," she said quietly in the last four words.

Nabalot ng hiya si Felix nang maalala ang pag-iyak nya kagabi. "Kalimutan mo na 'yon."

Nang makita ni Samantha si Felix na tila nahihiya ay parang gusto nya itong tuksohin. "Ayoko nga," Samantha laughed. "Iyakin, nasa'n na ang tsupon ng baby."

"Tomboy!"

Tumakbo na si Samantha palayo kay Felix dahil baka kung ano pa ang magawa nito sa kanya. Nang makarating sila sa school ay purposive communication ang kanilang unang klase. "In this class blah blah blah."

Oh, yeah, I don't understand anything.

Samantha fell into a daze.

Nang matapos na ang klase. "Ang sakit ng ulo ko do'n," pagrereklamo ni Samantha. "Bakit ba kailangan natin ng subject na 'yon, hindi naman related sa program natin, pinahihirapan lang nila tayo eh."

"Kahit ano namang subject ayaw tanggapin ng utak mo," Alvin said.

"Grabe ka na ah!"

"Bakit? Totoo naman."

Natahimik si Samantha sa sinabi nito.

Sabagay may point naman siya pero hindi ko aaminin 'yon!

"Ang yabang mo! Porke't genius ka."

"Ayan na naman sila," walang ganang sabi ni Felix.

"Guys, tama na 'yan," pag-aawat ni Sarah sa kanila. "Sam, ilabas mo ba ang bottle mo."

Tumingin muna ng masama si Samantha kay Alvin bago nya sinunod ang utos ni Sarah. Inalabas na niya ang bote at pinaikot ito, at ang dulo ng bote ay tumapat sa kanya. "Arg, Malas!"

Binigay na ng apat ang kani-kanilang order, "Grabe kayo, ang dami n'yong ipapabili, mga patay gutom?" Tumingin si Samantha sa inosenteng si Sarah, "Sarah samahan mo ko."

Agad na nagtaka si Sarah dito, "Ha? Bakit? 'Di ba ikaw lang dapat ang bibili."

Samantha nodded, "Oo nga, pero sa tagal mo na sa grupo hindi pa rin tumatapat sa'yo ang bote, parang ang unfair naman no'n kaya samahan mo na 'ko, tulungan mo 'kong magbitbit."

"O...ok," wala ng nagawa pa si Sarah kundi ang sumunod sa kanya.

Pagkalabas nila sa room ay saka na nagsalita si Alvin "Kawawang Heaven, isa na naman sa magiging biktima ni ni Sam." Tumingin naman ito kay Felix at Jacob, "mauna na kayong dalawa sa Tomj, c-cr lang ako," pagkasabi nito ay lumabas na si Alvin.

Ayaw man ni Felix ito pero hindi na naman nya mababago ang sitwasyong ito, kaya tumayo na lamang siya at nagsimula ng maglakad, na siya namang sinundan ni Jacob.

Tahimik lang silang naglalakad, ang isa ay may cold na aura at ang isa naman ay may carefree na aura. They are completely opposite from one another, pero kapag pinagtabi sila, para silang mga superstar na napadpad lang sa CAS department. Kung umulan ata ng kagwapuhan sa langit ay nasalo na ata lahat ng dalawa ang blessing. Kaya naman habang sila ay naglalakad, madaming estudyante ang napapatingin sa kanila.

May isang babae na nagbalak na hawakan si Felix pero bago nya pa ito magawa ay pinigilan siya ng kanyang kaibigan. "Bakit?" pag-aangal nito, sinubukan nyang tanggalin ang hawak sa kanya ng kanyang kaibigan pero mas diniinan nya pa ang pagkakahawak sa kanya.

"Hindi mo ba alam kung anong nangyayari sa mga estudyante na sinusubukan siyang hawakan?" May makikitang pagtataka sa mukha ng babae, napailing ang babae kanya at ipanagpatuloy ang nito ang kanyang sinasabi, "napapasubsob sa sahig, kase halos lahat ng babae na nagtangka, hindi man lang siya nagawang hawakan. Nakakaiwas kaagad si Felix o 'di kaya, itutulak nya sa pandidiri ang mga lumalapit sa kanya." Naalala pa nito ang nangyari sa kanya, talagang nakakahiya, "kaya girl huwag mo ng subukan mapapahiya ka lang."

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon