chapter 1

321 9 0
                                    

Tomboy & JF

Ito na naman ang bagong kabanata ng buhay ko papasok, kakain, tutulog, papasok ,kakain, tutulog sana dahil bago na ang paaralan na pinapasukan ko sana naman magbago na ang takbo ng buhay ko at sana magustuhan na nya rin ako.

Sana hindi lang ito hanggang sana nalang.

"Tomboy lumilipad na naman ang utak mo." Bulong sakin ng katabi ko.

Hindi ko namalayan na kanina pa papala akong nakatulala sa kaniya. Ano ba ito nakakaahiya, umayos ka umayos ka sam, mahahalata ka niya n'an.

"Kung hindi lang talaga kita kilala baka napagkamalan na kitang nahuhumaling sa 'kin."

"Hah! Yabang, huwag kang mangarap uy! Nakatingin lang ako sayo kasi lalaki ka at naiinggit ako kasi gusto ko ring maging lalaki." Kasinungalingan, ang galing mo talagang mag sinungaling Samantha. "Yun lang yun. Ikaw ata ang lumilipad ang utak sating dalawa."

Inalis ko na ang atensyon ko sa kanya at nakinig na lamang sa aming mga kaklase na isa-isang nagpapakilala. Sa dami ng nagpakilalang estudyante ay wala man lamang akong nasaulo miski isang pangalan.

Isa lang naman ang nagawang makuha ang atensyon ko kundi itong katabi ko. Halos kasing puti ng gatas ang balat niya dinaig pa 'ko sa pagkaputi, sobrang tangos nya rin na puwede ng maging artista, mapupulang labi na parang ang sarap siguro kapag natikma, brown na matang talagang nakakapang akit, perpektong hugis na mukha at katawan. Pano kaba naman hindi mahuhulog eh parang anghel na bumaba sa langit.

"JF, ngayong college na tayo may balak ka na bang mag-girlfriend?"

Bigla syang natawa sa tanong ko. "Nagpapatawa kaba? Alam mo namang ayoko sa babae."

Napangiti naman ako ng palihim  sa sinagot niya. "Good, kasi hindi ako makakapayag na maunahan mo 'kong magka-girlfriend," at saka akin ka lang. Gusto ko man iyong sabihin ng malakas para malaman nya na akin lang siya pero hindi ko magawa sa takot na layuan nya ako. Mas mabuti ng ganito maging bestfriend niya kaysa sa wala.

Natapos na ang unang subject at umalis na ang unang teacher, yung iba namang teacher ay hindi na pumunta rito sa room o baka absent kasi unang araw lang naman ito magpapakilala lang. Sa ngayon ay wala kaming teacher kaya naka-isip ako ng magandang idea. "JF, tara maggala tingnan natin ang mga lugar dito sa Vallex State University"

"Nababaliw ka na ba? May klase pa tayo!"

"Wala namang teacher eh, ayokong mabulok dito, saka unang araw naman sa school ngayon, sure na wala 'yang klase. Ano tara?" Hindi niya ko pinansin at nilabas na lamang nya ang cellphone nya.

"Kung ayaw mo eh di ako na lang, Pagod na 'kong paulit-ulit na magpakilala." Kinuha ko na ang bag ko at lumakad paalis. Halata ang gulat sa mga mata ng aking mga kaklase pero ni isa sa kanila ay walang pumigil. Pagkalabas ko ng room para akong bagong laya sa kulungan.

Si Samantha yata 'to walang makakapigil sa 'kin!

.....

Samantala sa room CAS 201 si Felix na naglalaro pa rin hanggang ngayon ng Mobile Legend ay ngayon lamang napansin na wala na ang kanyang kaibigan.

Asan na ang tomboy na 'yon? Talaga naman ang tigas talaga ng ulo kaya napapahamak eh.

DEFEAT

"Tss natalo tuloy, kahit kailan ka talaga tomboy"

Tumayo na rin siya at lumabas upang sundan ang kaibigan.

"Grabe, ang lakas ng loob nilang umalis" sabi ng isang isang estudyante na sinang-ayunan naman ng iba.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon