chapter 40

54 5 0
                                    

Mine

"Hello?"

"Sarah...."

"Jacob napatawag ka?"

"Nandiyan ba si Felix?" Nabalot nang katahimikan ang linya ng tawag. "Sarah?"

"Oo, nandito siya...."

"....nandito siya, sobrang himbing ng tulog nya."

Jacob frowned, based on his understanding of Felix, hindi nito magagawang makatulog ng mag-isa sa bahay ni Sarah lalo na't babae ito. "Anong ginawa mo?" seryosong tanong ni Jacob.

Nabalot muli ng katahimikan ang linya ng tawag, inabot pa ng ilang segundo bago nakasagot ang nasa kabilang linya. "As expected sa isang Anderson," biglang nag-iba ang tono ng boses ni Sarah, nawala ang pagkamahinhin ng boses nito at lumaki ang kanyang boses hindi gaya ng dati. "Tutal wala akong maiitago sa'yo, aaminin ko na, pinainom ko siya ng sleeping pills."

Nabigla si Jacob sa kanyang narinig. "Bakit mo ginawa iyon?"

"Ngayon ang araw na aaminin ni Sam ang feelings nya kay Felix, tama ba?"

Hindi nakasagot si Jacob.

"Kaya ginawa ko ito, at kung nagtataka ka kung paano ko ito nalaman, madali lang, natatandaan mo ba no'ng nahulog ko ang bag ni Sam kanina?" Bumalik naman ang memoryang iyon kay Jacob, kung paano ito nag-sorry at kung paano nito dali-daling niligpit ang mga gamit ni Samantha.

"Nang nahulog ang bag nya, karamamihan sa mga gamit ay kumalat at kasama na doon ang isang cardboard, kung saan nakasulat ang confession nya kay Felix. At base sa pagmamadali at maya't mayang pagtingin ni Sam sa orasan, for sure na mayro'n siyang importanteng pupuntahan. At ngayon na tinawagan mo ako, tatanungin kita, tama ako 'di ba? Na magkikita ang dalawa ngayon at ngayon siya aamin."

Sahalip na sagutin ito ni Jacob ay tinanong nya rin ito pabalik, "bakit mo ito ginagawa."

Mahinang pagtawa ang natanggap ni Jacob. "Hindi pa ba halata? Gusto ko si Felix, at lahat ng gusto ko mapapasa'kin."

"Hindi isang gamit si Felix, para angkinin mo."

"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin. Oh, oo nga pala, kamusta si Sam? Umiiyak siya ngayon no?" She chuckled, as if she thought it was all a big joke. "Wala pa akong ginagawa nito ha, pinatulog ko lang si Felix, paano kaya kung may ginawa na ko, baka magpakamatay na siya----"

"Sarah!"

"Jacob, Jacob, bakit ka ba nagagalit, hindi mo ba alam ang salitang biro? Ganito na lang, magtulungan tayo, tutal pareho lang naman tayong dalawa."

"Hindi ako makikipagtulungan sa'yo at lalong hindi ako katulad mo. Kapag may ginawa kang masama kay Sam, ako ang makakalaban mo." Jacob hung up the phone. Huminga muna nang malalim si Jacob para mawala ang namumuong galit sa kanyang dibdib. Mayamaya rin ay pinatakbo na nya ang kotse.

.....

Sumulyap muna si Sarah kay Felix na mahimbing na natutulog sa malaking kama bago siya umalis sa silid. Pagkalabas na pagkalabas ni Sarah sa pinto ay agad siyang sinalubong ng katulong. "Ms. Sarah, si sir Jacob po nasa labas."

Hinawi ni Sarah ang kurtina at sumilip sa bintana at kanya ngang nakita si Jacob sa labas ng gate na pilit na kinakausap ang guard. Naramdaman naman ni Jacob na parang may nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa taas at nagtama ang kanilang mga mata.

Iniwas na ni Sarah ang tingin kay Jacob at naglakad na pababa ng bahay. Nang makarating na siya sa gate ay kanyang inutusan ang guwardya na pagbuksan ng pinto si Jacob, na siya namang ginawa ng guwardya. At nasilayan na niya ang mukha ni Jacob "Jacob----"

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon