Absence
Unang nakauwi sa kanilang bahay sina Sarah at Alvin dahil mas malapit ito sa bahay ni Jacob kaya huli ng nakababa sina Sam at Felix.
"Salamat po sa paghatid," sabi ni Samantha na siya namang nilugudan ng ngiti ng driver bago tuluyang umalis ang sasakyan.
Pumasok na ang dalawa sa kanilang tahanan, nang makapasok si Felix sa kanilang bahay ay kanyang niligpit ang kanyang sapatos sa may shoe rack at sinuot ang kanyang slippers, napansin naman nya ang sapatos ng kanyang ama. "wala siyang trabaho ngayon?"
Pero may isa pa na mas naka-agaw pansin sa kanya, bigla siyang napatigil ng may makita siyang boots sa tabi ng sapatos ng kanyang ama. "Kanino 'to?"
Imposible namang sa katulong ito kasi kami lang naman ni dad ang gumagamit ng shoe rack saka halata palang sa itsura nito na mahal ang pagkakabili dito.
Nagtataka man ay pinabayaan na nya ito, nagpatuloy na siya sa loob ng kanilang bahay. Sa kanyang pagpasok ay may naamoy siya galing sa kusina na nagsanhi ng pagkulo ng kanyang tiyan. "Adobo" may ngiti sa kanyang labi ng sinabi nya ito, dahil sa gutom na siya ay hindi na nya napigilang pumunta sa kusina.
Nang makapasok siya rito ay bigla siyang napatigil sa kanyang puwesto, nang may makita siyang figure ng isang babae na busy sa pagluluto. Matangkad ang babae at mas kapansin-pansin sa kanya ay ang maikli at blonde na buhok nito. Halata sa ekspresyon ni Felix ang gulat sa kanyang nakita.
Kahit na nakatalikod pa ang babae ay pamilyar na pamilyar si Felix sa babaeng ito.
Bakit? bakit ka pa bumalik?
Unti-unting napaatras si Felix sa kanyang puwesto at tumalikod siya mula sa kusina at dali-daling naglakad paalis doon. Sa bawat yapak nya ay sinisiguro nya na hindi siya makakagawa ng ingay.
Malapit na si Felix sa pintuan nang bigla itong bumukas. "Natapon ko na ang basur-----, son.... You've arrived," may maririnig na pangamba sa tinig ng kanyang ama.
At that moment, a "shatter" was heard. It sounded like something had broken in their back.
"Felix...." they heard a soft voice, it's like a whispher, and it was a very familiar voice.
Hindi umibo si Felix sa kanyang kinatatayuan na para bang wala siyang narinig. Masama nyang tiningan ang kanyang ama. "What is the meaning of this, dad?"
Nangangamba man ang kanyang ama, ay may determasyon pa ring makikita sa mga mata nito. "Son, I decided, na dito na siya titira."
Felix smirked, "it's fine with me," Felix looked coldly at his father. "Kung dito siya titira, hindi ako rito titira," pagkasabi nito ay kanyang kinuha ang car key sa wall hanger at walang pasintabi na nilampasan ang kanyang ama.
"Son! comeback here right now!"
Pero parang walang narinig si Felix at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa garage at sumakay sa pulang kotse at dali-daling pina-andar ito.
Mula sa side mirror ay nakita nya ang paglabas ng kanyang ama at tila may kinakausap sa loob pero bago pa man makita ni Felix ang paglabas ng kausap ng kanyang ama ay iniwas na ni Felix ang kanyang mata sa side mirror at mas lalong pinabilis ang pagpapatakbo sa sasakyan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang ay ang makaalis dito, kahit saan basta malayo sa kanya.
-Samantha's house at 10:00 p.m.-
"Hahaha, patay na kayong lahat, woahh! Sige takbo!"
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...