chapter 42

65 4 0
                                    

Confession

Tanghali na nang nagising si Samantha, sa pagmulat ng kanyang mga mata ay lumantad sa kanya ang maputing ceiling, kanyang nilibot ang paningin sa paligid. "Nasa kuwarto na 'ko?" medyo paos pa ang boses ni Samantha.

Ang ang huli kong naaalala ay ang pagpasok ko sa bahay, hinang-hina na 'ko no'n kaya hindi na 'ko nakaabot sa kuwarto, bakit nandito ako?

Napatigil ang paglilibot ng paningin ni Samantha sa bedside table, mayro'n ditong nakahandang pagkain at maiinom, hindi lang ito ang naka-agaw pansin kay Samantha, sa tabi ng mga pagkain ay mayroon doong nakapatong na cardboard. Napadiin ang pagkakahawak ni Samantha sa kumot. "Bakit ito nandito?"

"Nakita ko 'yang pakalat-kalat sa labas ng coffee shop."

Napatingin si Samantha sa pinanggalingan ng boses at kanyang nakita si Felix na nakatayo sa may pintuan, hindi nya napansin ang pagpasok nito. "Kinuha ko na kasi baka sa'yo 'yan, iyo ba 'yan?"

Inalayo ni Samantha ang tingin kay Felix. "Hhmm," she nodded.

Lumapit si Felix kay Samantha at kinuha ang isang thermometer sa bedside table at inilapit ito sa bibig ni Samantha. "Susukatin ko lang kung mainit ka pa."

Samantha bites her lower lip.

Ano 'yon, 'yon na lang 'yon? Hindi ka na magtatanong pa, kung ano ba ang nakasulat dito?

Pero pa'no kapag magtanong siya?

Anong sasabihin ko?

Binuka na lamang ni Samantha ang kanyang bibig at hinayaan na lamang si Felix kung ano ang gusto nitong gawin.

"38°, mainit ka pa rin." Inilapag na ni Felix ang thermometer sa bedside table at umupo sa upuan, kinuha nito ang isang mangkok na may lamang vegetable soup.

Sasandok na sana si Felix sa soup nang biglang magsalita si Samantha. "Tinapon mo na dapat."

Napatigil si Felix sa kanyang ginagawa. "Ha?"

" 'Yong cardboard, hindi mo na dapat inuwi rito, madumi na naman."

" 'Yon ba, sorry, hindi ko sinasadyang maapakan."

"Kaya nga dapat tinapon mo na," sa bawat pag-imik ni Samantha ay walang maririnig na sigla rito, ibang-iba siya sa dating Samantha na laging masiyahin.

"Baka kasi maayos mo pa."

"Malabo ng maayos 'yan."

Napayuko si Felix ng marinig ito "Sorry..."

"...sorry hindi ako nakapunta, sorry pinaghintay kita."

Si Samantha na kanina pang nasa malayo ang tingin ay ngayon ay nabaling na ang kanyang atensyon kay Felix.

Sorry?

Naalala ko tuloy yung sa chinese drama na napanood ko, sinabi ng lalaking bida dito na, if apologies worked why would we need the police?

Napakadaling mag-sorry pero napakahirap magpatawad.

Kapagbinasag mo ang isang bagay tapos nag-sorry ka rito, mababalik ba ng sorry mo ang dating anyo ng binasag mo?

"Bakit, bakit hindi ka dumating?"

Nabalot ng katahimikan ang paligid, inabot pa ng ilang segundo bago nakaimik si Felix, "hindi ko...."

"....hindi ko alam" may namumuong poot sa loob ni Felix.

Hindi ko magawang sabihin kanya kung anong nangyari, gusto kong sabihin sa kanya pero ayokong masira ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Sarah, ngayon lang siya nagkaroon ng bagong kaibigan maliban sa'kin, kapag nalaman nya siguradong masasaktan siya.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon