Plan
Samantha looked at Alvin, "ano ang talent mo maliban sa academic?"
Nagtataka man ay sinagot ito ni Alvin. "Marunong akong mag-rubik's cube, any types of rubiks cube."
"So lame," Samantha whispered.
"Ano 'yon?"
"Wala.. ang sabi ko wow, ibang klase ngayon lang ako nakarinig ng gano'ng talent," she remarked sarcastically.
"Hindi ka naman sarcastic?" natatawang sabi ni Sarah.
"Hindi promise totoo 'yon" pero sa loob-loob nya oo, oo sarcastic 'yon!
Masamang tingin naman ang ibinigay ni Alvin kay Sam. "Satangin mo maniniwala ako sa kasingungalingang 'yan, sa ikli ng sinabi mo kanina abay biglang humaba."
Hindi na pinansin ni Sam ang masamang tingin ni Alvin at tinanong na si Felix "JF, ikaw?"
"I know how to play guitar," simple nitong sagot.
Tinuon naman nya ang pansin kay Sarah "Heaven?"
"Ballet dance," mahinhin nitong sagot.
"Okay good, Jacob, on the other hand, knows how to play musical instruments.----" Samantha suddenly stopped and smiled brightly.
Nagtaka naman ang kanyang kasamahan sa biglang nyang pagngiti. Parang alam na ng mga ito na may nakakaloko na naman gagawin si Sam, na hindi maaaring pagkatiwalaan.
She took a deep breath before speaking. "Ako naman ay sa pagkanta," she said proudly.
SILENCE
Kitang-kita sa mga mata ng apat ang pagdududa lalong-lalo na si Alvin, na mababasa ang iniisip sa, tingin pa lamang nito. "Weh, 'di nga?" hindi makapaniwalang sabi ni Alvin.
"Ikaw lagi ka na lang may pagbara, isang-isa na lang, susuntukin na kita" galit na sabi nito at tangka na nyang susunggaban si Alvin ng mayro'n biglang nagsalita.
"You know how to sing?" Felix inquired, startled.
Napahinahon naman si Samantha ng marinig nya ang boses ni Felix. "Yes."
"How come I don't know" nagtataka nitong tanong.
"Because you are not paying attention." Samantha muttered. Nakanta na 'ko simula bata pa tayo pero mukhang hindi mo naman pinapansin. "ehem saan tayo mag papra-practice----?"
"Wait, wait kaya mo ba kami tinanong sa talent namin ay parang magc-concert tayo?" Sarah asked.
Napangiti naman si Samantha sa tinanong ng kaibigan. "Tumpak! pero syempre hindi 'yung concert na pang artista, hanggang kalye lang tayo, doon tayo sa maraming tao para mas maraming pera, ano okay na?" tumingin naman siya sa lalaking alam nyang aangal sa desisyon nya. "Genius, uunahan na kita sa ayaw o sa gusto mo gagawin natin 'yon, period."
Si Jacob naman ang umimik, "in short, busking."
Dahil dito wala nang nagtangkang umangal pa kay Samantha dahil alam naman nila na wala din namang kuwenta kung aangal sila sa boss.
"Sa place ko na lang tayo mag-practice, nando'n na lahat ng bagay na kakailanganin natin," Jacob suggested.
"Good, then let's go!" masayang wika Sam at dali-daling binitbit ang kanyang bag.
"Not now tomboy may klase pa tayo," Felix said.
Napahinto naman si Samantha. "Ay oo nga pala," napakagat na lang siya sa kaniyang labi dahil sa hiya. Masyado na 'kong nadala sa excitement ko. "Let's go later," pagtatama nya.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...