chapter 46

59 4 0
                                    

Secret

Lumipas ang ilang araw at ngayon ay nalalapit na ang gaganaping intramurals at kasalukuyan ngayong nasa locker room si Samantha at palihim na naglalakad papunta sa pinaka huling row at mabilisang dinikit ang sticky notes sa isang locker.

"Wala akong maisip na isulat, basta good luck na lang sa'yo."

Agad na nanlaki ang mata ni Samantha nang may marinig na tinig at ang mas malala pa ay binabasa nito ang kanyang sinulat. Agad na tiningnan ni Sam kung sino ito at nakahinga naman siya ng maluwag nang makita si Sarah.

"Kay Felix 'tong locker 'di ba?" Sarah asked.

Sasagot na sana si Samantha pero napatigil ito ng mayro'n siyang narinig na mga yabag papunta sa direksyon nila, agad na hinila ni Samantha si Sarah at pumasok sa isang silid. Mula roon ay kanilang naririnig ang pag-uusap mula sa locker room.

"Another notes again?" boses ito ni Jacob.

Wala namang kagana-ganang sumagot si Felix dito. "Hhmm."

"Galing na naman kay S," boses naman ito ni Alvin.

"Who's S?" Jacob asked.

Mula sa silid na pinagtataguan nina Samantha ay mayro'n silang narinig na pagbukas at pagsara ng isang bagay. Pinagmamasdan naman ni Sarah si Samantha na nakasandal ang tainga sa pinto.

"Tsk tsk, tinapon na naman niya" bulong ni Samantha.

Dahil sa hina nito ay hindi gaanong malinaw kay Sarah kung anong sinabi nito. "What---"

"Shhh!" pagpuputol sa kanya ni Samantha.

Pilit na sinisiksik ni Samantha ang kanyang tainga sa pinto ng wala na siyang naririnig.

Nagbigla na lang ang dalawa ng biglang bumukas ang pinto at dahil sa biglaang pagbukas ng pinto ay hindi na nabalanse ni Samantha ang kanyang sarili, napapikit na lamang siya at naghihintay sa kanyang pagbagsak pero hindi ito nangyari. Nakaramdan lang siya ng paghigpit ng kanyang kuwelyo sa kanyang leeg, sa pagmulat ng kanyang mata ay agad na lumantad sa kanya ang kulay kayumangging mga mata.

At bumaba ang mga tingin ni Samantha sa magandang tanawin. "Tomboy, Sarah?" bigkas ng mapupulang labi nito.

Nagising naman si Samantha nang mas sumikip ang kanyang kwelyo dahil sa paghila sa kanya ni Felix, at naayos na ang pagkakatayo ni Sam. Iniwas na ni Samantha ang tingin sa mapupulang labi nito at baka kapag hindi pa nya inalis ang tingin dito ay baka matuklap nya pa ito, sumulyap na lamang siya kay Sarah, sa pagsulyap sa puwesto nito ay saka nya lang namalayan kung nasaan sila.

"What are you doing here? In the men's restroom." nagtatakang tanong ni Jacob.

"Mga manyak ba kayo?" pagsingit ni Alvin.

"No---" magsasalita na sana si Sarah nang bigla itong inakbayan ni Samantha at siya na ang nagtuloy sa sasabihin nito.

"No! Ang green minded mo naman, kakatapos lang naming maglinis dito." Habang sinasabi ito ni Samantha ay pasimple namang nag-cross finger ito at tinago sa kanyang likod.

Pero hindi pa rin naniniwala ang tatlong lalaki sa sinabi nito, kasi naman si Samantha maglilinis? parang imposible naman ata 'yon! "Yrabaho 'yon ng janitress," Felix said.

"Tinulungan namin siya, 'di ba?" tanong ni Samantha kay Sarah.

"Uhu?" Sarah nodded, though she's not sure what she's nodding to.

Naniwala na naman ang tatlong lalaki dahil si Sarah na ang umimik, kung sila ang papipiliin mas paniniwalaan nila si Sarah, dahil mukhang napakahinhin nito at imposibleng magsinungaling, hindi kagaya ni Samantha na sa itsura pa lang ay hindi na katiwa-tiwala.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon