A Ghost
Nang mabasa ito ni Samantha, nabalot ng ngiti ang kanyang mga labi at uniti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
'Tu-Thump'
'Tu-Thump'
'Tu-Thump'
Kinakabahan ako
Pinagmasdan nya ang wall clock. It is 8:30 a.m. Matagal pa ang oras pero bakit parang sa bawat pag-andar ng segundo sa orasan bakit habang tinititigan nya ito parang bumubilis ang pagandar ng oras. Napaubob siya sa table.
Kaya ko ba ito?
Ano kayang sasabihin nya?
Magugustuhan kaya nya o hindi?
Argg! Bahala na! Basta pipilitin ko na lang siyang ma-fall sa akin.
Biglang napatunghay si Samantha ng maalala nya na nasa klase siya.
Baka kung anong isipin ni sir Mark, baka akalain na naman nya na natutulog ako, ayokong maparusahan ulit. Sam, focus! Focus!
'Tick Tock'
'Tick Tock'
'Tick Tock'
Tulalang nakatingin si Samantha sa unahan.
"Tomboy? Tomboy!"
Nabalik siya sa kanyang ulirat sa pangalawang tawag sa kanya ni Felix. "O-oh?"
"Ayos ka lang?" Felix asked.
"Ha? O-oo, bakit?"
"Kanina pang time, nakatulala ka pa diyan"
"Time na!"
Felix nodded. Tumingin si Samantha sa kanyang paligid.
Tayka, tayka kanina lang nandito pa si sir Mark, nasaan na si sir? Nasaan na ang mga kaklase namin? Huwag mong sabihing, huwag mong sabihing 12 na?!
"Hoy! Tomboy!" sigaw ni Alvin.
"O-oh?"
"Sabi ko ilabas mo na ang bote mo."
"Ha? Bakit?" Wala sa wisyong tanong nito.
"Break time na."
"B-break time?"
"Oo."
Samantha heaved a huge sigh of relief.
Mabuti na lang, akala ko biglang bumilis ang oras.
Inilabas na ni Samantha ang bottle at pinaikot ito, tumapat ito kay Sarah.
Oh, Sarah, good luck! " Alvin stated.
Lumabas na si Sarah para bumili sa canteen.
Mayamaya rin ay lumabas na ang apat, habang sila ay naglalakad ay biglang napatigil si Samantha, dahil nasa unahan siya napatigil din ang dalawa sa kanyang likod at ganoon din si Felix na katabi nito.
"Mauna na kayo may pag-uusapan lang kami." Tumalikod si Samantha at kanyang hinila si Jacob palayo sa kanila, na ikinabigla ni Jacob dahil hindi nya akalain na siya ang hihilahin nito.
"Tomboy!" biglang sigaw ni Felix
"Mauna na kayo!" pabalik na sigaw ni Samantha at hinila na nya si Jacob na halata pa rin ang gulat sa nangyayari,
Unti-unti ng nawala sa vision nina Felix ang dalawa. "Feeling ko may something sa dalawang iyon," Alvin said.
"Imposible 'yan, tara na," Felix stated coldly.

BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...