Short Hair
"Huwag mong sabihin na hanggang do'n ka na lang?" mataray na wika ni Sarah kay Felix. "Alvin tara na!" tawag ni Sarah kay Alvin at sumakay na sila sa kotse.
Nang sinubukan ni Felix na buksan ang pinto ay ayaw nitong bumukas kaya kinatok nya ang bintana ng kotse at bumaba naman ito at tumambad sa kanya si Sarah. "Uuwi na kami."
Sumilip naman si Alvin sa bintana at pinakita kay Felix ang isang wallet at phone, naalarma naman si Felix. "Return it!"
Ngumiti lang si Alvin at sinabi. "Good luck!" sinara na ni Sarah ang window at sinubukan naman ni Felix na pigilan sila pero pinaandar na ni Sarah ang kotse, naiwan na mag-isa si Felix sa labas ng bahay nina Samantha.
Nakarinig naman si Felix nang pagbukas ng pinto, pagtingin nya rito ay nasilayan nya si Samantha na lumalabas ng pinto, nakapatanlon na ito at white t-shirt, taka namang tumingin sa kanya si Samantha. "Asa'n si Heaven at si Genius?"
"Umalis na sila, may emergency lang sila sa school." Hindi nakatingin sa mata ni Samantha si Felix nang sinabi nya ito. "Babalikan na lang daw nila ako," pagsisinungaling nito.
"Sa loob ka na maghintay," wika ni Samantha at binuksan ang pinto.
"Hindi na samahan na lang kita sa pupuntahan mo."
"Dito ka na maghintay, hindi ka makakapasok sa loob ng pabrika, mga empleyado lang ang pinapapasok doon."
"Ayos lang hihintayin na lang kita sa labas," nakangiting wika ni Felix.
Napakunot naman ang noo ni Samantha. "Eh gabi pa ang labas ko."
"Ayos lang."
Samantha sighed. "Ikaw ang bahala," at sinakyan na nito ang isang bike, sinulyapan ni Samantha si Felix na nakatingin lamang sa kanya. "Angkas na," at gano'n na nga ang ginawa ni Felix.
Habang nag-b-bike si Samantha ay pinagmasdan naman ni Felix ang maliit na buhok ni Samantha na sumasama sa daloy ng hangin. "Nagpagupit ka at nagm-make up ka na rin."
"Hindi ba bagay?"
"Bagay, bagay na bagay, mas-- mas gumanda ka," mahinang wika ni Felix.
Nang marinig ito ni Sam ay tila bumagal ang kanyang pagpadyak. "Baka magkagusto ka na n'yan sa 'kin," pabirong wika ni Samantha.
Mas humigpit ang pagkakahawak ni Felix sa balikat ni Samantha. "Indeed, satangin ko nga gusto na kita," napakalakas nang tibok ng puso ni Felix nang sinabi nya ito, kinakabahan siya sa isasagot ni Samantha.
Ilang segundong nanatiling tahimik si Samantha at paglipas pa ng isang segundo ay naramdaman ni Felix ang pagtaas at pagbaba ng balikat ni Sam, at unti-unting narinig ni Felix ang mahinang paghagikgik ni Sam. "Yeah, gusto mo 'ko, gusto mo rin si heaven, si Genius, si Jacob at ang parents mo tama?"
Pinagmasdan ni Felix ang likod ni Samantha, gusto nyang makita ang mukha nito at sabihin sa kanya nang harap-harapan na, "oo, pero---"
Biglang prumeno si Samantha at napaumpog ang ulo ni Felix sa likod nito. "Sorry may biglang dumaan na pusa," pagkasabi nito ay muling pinaandar si Sam ang bisikleta nang mabilis, hindi na nagawang masabi ni Felix ang gusto nyang sabihin dahil ani ni Sam ay malapit na ang lugar na kanyang pinagtatrabahuhan.
Pagkarating nila sa pabrika ay umalis nasa pagkakaangkas si Felix. "Ingat."
Nag-aalalang tiningnan ni Sam si Felix. "Umuwi ka na kaya, matagal pa talaga ako "
"Naiwan ko ang phone at wallet ko kay Genius." Pero ang totoo talaga n'yan ay walang kamalay-malay si Felix na kinuha pala ito ni Alvin sa kanya.
"Tawagan ko ang ama mo, anong number ng dad mo?"
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...