What is love?
Pagkatapos kumanta ni Samantha ay napaltan ito nang maingay na sigawan at palakpak ng mga tao. "Aahhh! Anak ko 'yan!" sigaw ng ina ni Samantha at katabi nya rin si Sarah na pumapalakpak.
Lumapit na si Jacob kay Samantha at sabay silang nag-bow.
"Kyaaa! Sam!"
"Jacob!"
"Go SFAJS! Go SFAJS!"
"CAS! CAS! CAS!"
Sigawan ng mga tao, bumalik na sa back stage ang dalawa at tumakbo naman si Mrs. Karen kasama si Sarah papunta sa back stage para makita si Samantha, pagdating nila doon, ang nadatnan nila ay ang mga contestant na nagku-kumpulan sa puwesto ni Samantha at Jacob.
"Excuse me," wika ni Sarah na hawak-hawak ang kamay ng ina ni Samantha at pilit silang sumisiksik sa kumpulan, nakahinga naman sila nang maluwag nang sawakas at nakarating na sila sa puwesto nina Samantha.
Agad naman silang binati ni Jacob, "tita Karen."
Na siya namang nginitian ni Mrs. Karen. "Ang galing ng performance n'yong dalawa."
Sahalip na sagutin ito ni Samantha ay tumingin lang ito kay Sarah. "Heaven, wala pa si Genius?"
Sarah shook her head. "Baka hindi pa tapos ang Ms. and Mr. VSU."
Nang marinig ito ni Samantha ay agad na hinila ni Samantha si Sarah at tumakbo, na hindi pinapansin ang mga taong nagpupumilit na lumapit sa kanila.
"Sam?" wika ni Mrs. Karen, naiwan ito kasama ni Jacob sa kanilang kinatatayuan.
"Satingin ko po ay pupunta siya sa gym para suportahan si Felix," sabi naman ni Jacob.
"Pero, paano na lang kapag ia-announce na ang mananalo?" Pagkasabi nito ni Mrs. Karen ay kanila namang narinig ang pagkanta nang susunod na contestant.
All by myself
Don't wanna be oh
All by myself
Any moreee....!
(all by myself by Celine Dion)Halos napatigil ang kaguluhan sa back stage nang marinig nila ang pagbirit na ito. "Ehem, Jacob tara na mukhang hindi naman mananalo rito si Sam."
Sumangayon naman si Jacob kay Mrs. Karen at umalis na doon.
.....
Mula sa gymnasium ay nakaupo na si Mrs. Karen at Jacob sa tabi ni Alvin, at sa bandang likod naman ng gymnasium ay nandoon si Samantha at Sarah, pareho silang nakatayo doon, madilim ang puwestong kinatatayuan nila kaya, hindi sila gaanong natatanaw ng mga tao.
Q and A na ang event na nadatnan nila, limang babae at limang lalaki na lamang ang natitira at kabilang dito si Felix. Kasalukuyan ngayong sumasagot ang isang lalaki na representative ng CABEIHM department.
"Love is the person's emotion and behavior that gives a strong feeling of care, respect, fondness, attraction, warmth and it is unselfish towards another person. Thank you."
Nang matapos ang representative ng CABEIHM ay agad na nagsigawan ang mga student na under sa department na ito.
"Aahh!! CABEIHM! CABEIHM!"
"Who is the best?!"
"CABEIHM!"
"Who is the best?!"
"CABEIHM!"
"Alright! Tahimik na, tahimik na," wika nang lalaking MC. "Ngayon naman ating pakinggan ang tinig ng CAS department."
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...