chapter 18

80 6 0
                                    

A Red Dot

-At school-

"Paano ko siya aalukin?" Alvin inquired. Sa oras na ito ay sabay-sabay silang tatlo na naglalakad sa entrance.

"Ikaw ng bahala diyan," Samantha responded.

Alvin frowned and turned to face Felix. "Felix?"

"No idea."

Mas lalo namang napasimangot si Alvin. Bumalik naman sa kanyang alaala ang mga pagtanggi niya sa dalawa.

Pano kung gano'n din siya? Ayaw niya ring pumayag, paano ang gagawin ko? Hindi naman ako magaling sa ganito.

"Hi Alvin," sabi ng isang babae.

Pero hindi siya napansin ni Alvin dahil nasa iba ang isip nito. Napasimangot naman ang babae pero nabawi rin ito dahil sa pagbati sa kaniya ni Samantha, "hello lovely."

Napangiti naman ang babae na tila kinikilig, hinampas nya ang kanyang katabi. "Narinig mon 'yon?"

"Huwag kang mangarap ako ang sinabihan nya hindi ikaw."

....

Madami-dami na rin ang tao sa loob ng kanilang room ng sila'y pumasok. Agad namang nakita ni Alvin si Sarah sa tabi ng kanyang upuan. Sinenyasan siya ni Samantha at tumango naman si Alvin dito. Umupo na sila sa kani-kanilang upuan.

"Pssst!" Napatingin naman si Alvin sa kaniyang kaliwa.

It's Sam. "Good luck," bulong nito.

"Walang silbi ang good luck mo, kung sana tinulungan n:yo ako," pagalit nyang bulong dito.

"Kaya mo yan, ano ka ba naman."

"Good morning Sam," putol sa kanilang dalawa ni Jacob.

Ngumiti naman sa kanya si Sam, "good morning."

"Tomboy" Napapunta naman ang atensyon ni Sam kay Felix.

"Di ba sabi ko naman sa'yo ayokong tinatawag na tomboy, may pangalan ako. Sam, sam, 'yon ang itawag mo sa'kin."

"Tomboy," pagu-ulit nyang muli.

Makikita naman ang pagka-inis ni Samantha. Pero nawala rin ang inis nya sa sunod nitong sinabi.

"Ito na ang assignment ko gayahin mo na, bilis. Baka dumating na si ma'am."  Dali-dali namang kinuha ni Sam ang notebook ni Felix. "Nakikipagdaldalan ka pa, wala ka namang assignment" bulong nito.

.....

"Ahh Sarah," Alvin stated.

Napatingin naman sa kanya si Sarah. "Hhmm?"

"Gusto mo bang suma----" Napatigil sa pagsasalita si Alvin dahil sa biglaang pagbukas ng pinto.

Nagmamadaling pumasok ang kanilang adviser. "Class may bisita tayong darating mamaya, kaya kailangan n'yong linisin 'tong room pati ang corridor. Tayo rin ang naka-assign sa paglilinis sa gym kaya bilsan n'yo."

"Ma'am sino pong bisita?" Tanong ng isang estudyante.

"Ang chancellor," pagkasabi nito ay umalis rin siya kaagad.

Jacob stiffen.

Pagka-alis ng guro ay nagusap-usap naman ang ilan.

"Ngayon ko lang siya makikita."

"Sabi ng kapatid ko, never daw nagpakita ang president ng school dito kahit na graduation hindi raw sya uma-attend."

"Pero bakit kaya bibisita siya ngayon?"

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon