Play
Samantala sa isang malaking bahay ay may maririnig na dalwang lalaking naguusap. "Ethan, meron ka na bang balita?" He said calmly.
"Sir ito po," abot ni Ethan sa lalaki ng isang folder. "Nakasulat na po lahat diyan ang impormasyon tungkol sa kanya."
"Good, you may leave." He opened the folder. Isang maliit na litrato ang bumungad sa kaniya. Isang babae na may nakakaayang ngiti na para bang isa siyang malayang dalaga na walang pinoproblema sa mundo.
Name: Samantha Quinn
Age: 18
Place of birth: Vallea City
Father: Steve Quinn
-Business Man
Mother: Karen Quinn
Retired model
School: Vallex State University
Course: BS Psychology
Section: BS Psych A 01"Vallex State University, I'm such a lucky guy." Kinuha ng lalaki ang kanyang phone at nag-dial ng numero. Nakalimang ring muna ito bago may sumagot.
"Nephew, napatawag ka?"
"Tito Jackson, sa Vallex State University po ang trabaho n'yo 'di ba?"
"Gano'n na nga, why?"
"Gusto kong mag-enroll sa school n'yo as a BS Psychology student," he paused for a second and said, "at kung ok lang sa inyo puwede po bang pareho ang schedule ni Samantha Quinn sa schedule ko?"
"Oo naman Jacob, ako ng bahala sa 'yo at sa mga requirements mo. Siguro next week, mga monday o tuesday, puwede ka ng pumasok."
"Talaga po?"
"I-i-inform na lang kita kapag ayos na."
"Sige po, thank you," at pinutol na nya ang linya at ipinatong sa lamesa ang kanyang phone. "Konting araw na lang magkikita na ulit tayo."
.....
"ACHOO!" Samantha sneezed. Napatingin naman ang kanyang magulang na kasalo nya sa dining table. "Excuse me," She said.
"Bless you," someone said from behind. A very familiar voice. Tumingin si Samantha sa kaniyang likod. It is Felix.
He look dashing in simple clothes, pa'no pa 'pag nag-ayos na siya. Kung puwede sana ariin ko 'tong lalaking ito at ipagsigawan na kami para malaman ng lahat na akin lang siya.
Heh, nangangarap na naman ako ng gising
"Good morning tita Karen, good morning tito Steve," he said politely.
"Morning," Samantha's parents replied.
"Kumain ka muna JF."
"Hindi na po tita nakakain na po ako, thank you po."
"Anong sadya mo rito?" Steve asked.
"Maglalaro po sana kami ni Sam ng basketball," wika ni Felix at umakbay kay Samantha.
Napataas naman ang kilay ni Steve. "Hindi puwede grounded pa 'yan."
"Do'n lang naman po sa 'min tito" pagpipilit ni Felix.
"O' sige, do'n lang sa inyo ha, huwag pupunta kung saan-saan," inilapag na ni Steve ang kanyang utensil dahil tapos na siyang kumain.
"Yes sir," Felix said.
"Honey, Sam una na ako," at kanyang hinalikan ang kaniyang asawa at ginulo naman nya ang buhok ni Samantha.
"Take care pa," sigaw ni Samantha sa papaalis na kanyang ama. Pagkaalis ng ama ni Sam ay umupo naman si Felix sa couch sa may living room.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomantizmSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...