II. chapter 22

63 5 0
                                    

Paparazzi

"Sandali!" Pagpigil ni Sam kay Alvin sa pagpasok. Bago sila pumasok sa mall ay may kinuha muna si Samantha na dalawang baseball cap na kulay itim at dalawang sunglasses sa kanyang bag.

"Oh, suotin mo," sabay bigay kay Alvin ng isang pirasong cap at sunglass. Sinuot naman ni Samantha ang kanya.

"Bakit may sumbrero at sunglasses kang dala sa school?" Tanong nito na hindi pa rin sinusuot ang mga ito.

"Huwag ka nang madaming tanong, suotin mo na lang."

"Para saan?"

"Arrgg! Hindi ka ba nanonood ng tv? Kapag may sinusundan ka at ayaw mong makilala ka, kailangan mo 'to. Alam mo 'yon parang assassin lang, ang kaibahan lang natin hindi tayo mamamatay tao. Kaya tara na suotin mo na 'yan at baka nakalayo na sila sa kabagalan mo," sabi nito at nauna ng pumasok sa loob.

Wala namang nagawa si Alvin kundi suotin na ito. "Fine, may paganito-ganito pang nalalaman. Siguro assassin talaga ang babaeng 'yon kaya mayro'n siyang ganito sa bag nya," bulong nito at humabol na kay Samantha sa loob.

Pinapanatili lang ng dalawa ang distansiya nila kayna Felix. Hindi gaanong kalayo at hindi rin gaanong malapit tama na para makita sila.

Mula sa puwesto ng dalawa ay kitang-kita nila kung gaano nahihirapan si Sarah sa pagsabay sa paglakad kay Felix dahil masyado itong mabilis maglakad.

With a shake of his head, Alvin expressed his displeasure with the situation. Ti-next nito si Felix.

'Bagalan mo lang ang paglalakad at sabayan mo siya.'

Mula naman sa malayo ay nakita naman ni Samantha si Felix na inilabas ang kanyang cellphone na may binabasa rito. Bigla namang napatingin si Felix sa kanyang paligid na parang may hinahanap, pero bago pa siya makatingin sa likod ay hinila ni Samantha si Alvin papunta sa gilid na may pader, kung saan hindi sila makikita ni Felix.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Alvin.

"Muntikan na tayong makita."

"Si Felix lang naman 'yon."

"Kahit na." Sumilip si Samantha sa puwesto ni Felix na nakatingin na sa unahan at sinasabayan sa paglalakad si Sarah.

Teka, parang date to ah.

Bigla namang namula sa galit si Samantha at kanyang hinarap si Alvin at sinakal ito.

"Ahh---! Ba-bakit!"

"Dahil sa'yo! Dahil sa'yo!" May ka-date na iba ang asawa ko! Ngayon pinagsisisihan ko na kung bakit kita sinali sa grupo at ang babaeng 'yon!

At kanya pang diniinan ang pagkakasakal dito. Binitawan nya lang ito ng humahampas-hampas na si Alvin sa kamay ni Sam.

Nang binitawan siya nito ay agad namang huminga ng malalim si Alvin.

'Cough!'

'Cough!'

"Papatayin mo ba 'ko!"

Parusa ko 'yan sa'yo!

"Wala lang," walangganang sabi nito at umalis na siya doon.

Hirap na hirap pa rin sa paghinga si Alvin. "Period nya ba ngayon!"

Napatingin naman ang mga tao sa kanya.

Nahihiya namang umalis doon si Alvin. Sa unang pagkakataon ay nagpapasalamat siya sa cap at sunglasses na suot niya.

.....

Tahimik namang naglalakad si Felix at Sarah. Hindi naman maiwasan ni Sarah na tumingin kay Felix ng ilang beses. "Ah!" Bigla namang may bumangga kay Sarah na bata. Tumatakbo ito ng mabilis at dahil sa lakas ng impact nito ay nabitawan ni Sarah ang kanyang handbag at natapon ang mga laman nito.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon