My Panda
Habang nasa klase ay mayro'ng sinusulat si Samantha sa kanyang yellow pad, hanggang mayamaya ay napasubsob na si Samantha sa kanyang desk, na tila ay tahimik na natutulog, pero sa gitna ng kanyang pagtulog ay mayro'n siyang narinig na malakas na paghampas sa kanyang desk, kaya naman ay biglaan siyang napa-upo sa upuan nang diretso.
"Good morning miss Quinn," malumanay na sabi ng kanilang guro.
"G-good morning sir," ang boses na medyo paos pa.
Lihim na napatawa ang ilan nyang kaklase sa asal nito.
"Pilya talaga 'tong si Sam, sumagot pa talaga," Alvin wisphered.
The professor smiled, nakangiti ito sa labas pero sa loob-loob nya ay naga-alburuto na ito sa galit.
"What is this?" tanong ng professor sabay kuha ng yellow pad na ikinagulat ni Samantha. "Tula?"
"Hindi po, kanta po 'yan."
"Is that so? So ito pala ang pinagkaka-abalahan mo, sa halip na magsulat ng notes." He crumpled the paper and tossed it in the nearest trash can. Some of the students gasped in surprise. Bumalik sa unahan ang guro at sinabi, "tutal inaantok ka Ms. Quinn mag-frog jump ka sa labas ng tatlumpung beses."
Agad na nanlaki ang mata ni Samantha nang marinig ito, "sir naman," pagmamakaawa nito.
"40 times."
"Pero sir!"
"50!"
"Ito na po, ito na."
College na 'ko pero ganito pa rin! Ano ba naman 'yan, hinding-hindi na 'ko magpupuyat kahit kailan. Jf kasalanan mo ito!
Pagkapunta nito sa Field ay agad na nitong inumpisahan ang pagtalon ng parang palaka. "One, two, three."
Samantala, ang building na malapit sa Field kung saan ay may nagkaklase. "Uy! Tingnan n'yo 'di ba si Sam 'yon?"
Kahit na kakaumpisa pa lang ni Sam sa pinapagawa sa kanya ay naka-agaw pansin kaagad ito ng maraming estudyante.
"Oo nga, bili, halikayo," agad na naglabasan ng mga cellphone ang mga estudyante at nagsimulang kunan ng litrato si Sam o i-record ang kanyang ginagawa.
"Ang cute nya!" Tili ng isang babae. Ang malapit sa puwesto ni Samantha ay masuwerteng nasasaksihan ang maganda nitong mukha na, napupuno ng pawis at ang maliksi nitong paggalaw.
"Pay attention, class!" sigaw ng professor kaya malungkot na inalis ng iba ang tuon sa field.
Ang iba naman na walang klase ay agad na nasagap ang balitang ito, kaya naman ay agad na nagdagsaan ang mga estudyante sa gilid ng field para panoorin si Sam, hanggang sa dumami ang mga tumambay dito.
"12,13,14,15, arrgg! nakakapagod ito!" Hingal na sabi ni Sam, ininda nya ito at nagpatuloy sa pagtalon. Dahil nasa pagtalon ang kanyang tuon, wala siyang kamalay-malay na pinapanood na pala siya ng maraming tao.
In history class
"That's all for today, class dismissed." Pagkasabi nito ay agad na lumabas si Jacob papuntang field na siya namang sinundan ni Alvin at Sarah. Pagkadating nila sa field ay bumungad sa kanila ang napakaraming tao.
"Excuse us please," mahinhing pagkakasabi ni Sarah.
Napatingin naman ang ibang estudyante sa pinagmulan ng boses, nang makita nila kung sino ang nagsalita at ang mga kasama nito ay agad na nanlaki ang mga mata ng mga estudyante at sila ay nagsitabi para bigyan ang mga ito ng daan.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
Roman d'amourSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...