chapter 49

63 6 0
                                        

A Tree Next to a Quiet House

'Ding Dong'

'Ding Dong'

Takang tumingin si Felix sa guard house dahil wala rito ang guard na kadalasang nagpapapasok sa kanya sa bahay ng mga Quinn.

'Ding Dong' muling pinindot ni Felix ang door bell pero wala pa ring lumalabas para buksan ang gate. Inalabas na lamang ni Felix ang kanyang phone at ti-n-ext si Samantha.

Mauna na 'ko sa 'yo.

Pagdating ni Felix sa room para sa kanilang unang klase ay nandoon na si Sarah at Alvin pati na rin ang ilan nilang mga kaklase.

"Good morning Felix," bati ng isa nilang kaklase na babae.

Ngumiti naman si Felix dito. "Morning," at dumiretso na siya sa kanyang upuan.

The girl gasped "OMG! Did you hear that?" tanong nito sa lalaki nyang kaklase na katabi lamang nya.

Na siya namang tinanguan ng kaklase. "madalas lang kayong hindi pinapansin no'n 'di ba? Pero ngayon..." takang sabi ng lalaki.

Napangiti na lamang ang babae dahil sa wakas ay napansin na siya ni Felix.

"Himala! Hindi mo kasama si Sam," wika ni Alvin kay Felix.

"Nauna na 'ko, darating na rin 'yon mamaya kilala mo naman 'yon mahilig magpuyat."

Pagdaan ng ilang minuto ay wala pa rin si Samantha, tumayo na si Sarah sa kanyang kinauupuan na bitbit ang kanyang bag at lumapit kay Felix. "Ahhmm, Felix puwede bang tumabi sa 'yo? Baka kasi absent si Sam pero kapag dumating naman siya lilipat kaagad ako," nahihiyang sabi nito.

"Eh? Pa'no ako?" wika ni Alvin.

"Tabi na lang kayo ni Jacob," sagot ni Sarah. "Saka gusto ko naman na maiba ang katabi ko." Muling tumingin si Sarah kay Felix na may pag-aalinlangan. "Ok lang ba?"

Felix nodded. "Ayos lang."

Umupo na si Sarah sa tabi ni Felix nang nakangiti. "Thank you."

Taka namang inobserbahan ni Alvin ang dalawa. "Ba't parang iba ang aura n'yong dalawa?" Hindi sumagot si Felix dito at nanatili namang nakangiti si Sarah. Napakunot si Alvin sa mga ito.

Pumayag si Felix na tumabi si Sarah sa kanya? Sa isip-isip ni Alvin. Eh, laging cold si Felix kay Sarah ah? Tapos ngayon.... may iba talaga eh, may namamagitan na kaya sa dalawang 'to?

Hindi na pinagkaisipan pa ito ni Alvin at tumingin na lamang sa orasan na nakasabit sa dingding. "One minute na lang wala pa rin si Jacob."

Lumipas na ang isang minuto ng walang Jacob at Samantha na dumating. Nagsisimula na ang teacher na mag-attendance in seating arrangement.

"Ana Verzosa."

"Present po."

"Sarah Manlangit."

"Present Miss."

"Alvin Genis."

"Present Miss."

"Felix Paxton."

"Present."

"Davis De Leyon."

"Present po."

Napakunot ang noo ni Felix at tinaas ang kanyang kamay. "Wait po miss."

"Yes?" wika ni Ms. Jen

"Hindi n'yo po nabanggit ang pangalan ni Sam, absent po siya," wika ni Felix dahil sanay na siya na laging nauuna ang pangalan ni Samantha at lagi siyang sunod dito sa tuwing sila ay naga-attendance.

SHE IS NOT A TOMBOYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon