I. chapter 22

68 4 0
                                    

Paparazzi

Kasalukuyan ngayong naka-upo sina Sam, Felix at Alvin habang naglalaro sa kanya-kanyang phone, sa kanilang tambayan.

"Felix mag-usap nga tayo," Alvin said. Patuloy pa rin sa paglalaro si Felix na siya namang ikinainis ni Alvin. "Mailap na sa'tin ngayon Sarah, at satingin ko, alam mo naman kung bakit."

Napatingin naman sa kanya si Felix. "Poblema n'yo na 'yan."

"Poblema mo rin to! Dahil lang naman sa pagiging cold mo sa kanya, na binabaliwala mo siya at tinuturing siyang hangin. Na-upset lang naman ang tao at nag-quit na siya grupo natin."

"Edi hayaan n'yo siyang umalis, hindi siya kawalan," He says this coldly.

Dito ay tuluyan ng napatigil sa paglalaro si Alvin. "Hayaan na lang siya?!"

Felix smirked, "di ba sinabi ko na sa umpisa pa lang, na ayoko siyang isama sa grupo, pero sinama n'yo pa. At sabi pa sa'kin ng isa diyan," sabay tingin kay Sam, na ngayon ay itinatago ang mukha. "Na ayos lang na hindi ko siya pansinin, kaya wala akong kasalanan."

Pagkasabi nito ni Felix ay siniko naman ni Alvin si Samantha.

"Ano?"

Tumingin naman sa kaniya si Alvin na parang sinasabing 'tulungan mo 'ko look'.

Samantha sighed, "JF kailangan natin si heaven."

Napatingin naman si Felix kay Samantha, at nagkatitigan ang dalawa. Mga ilang sigundo ay umiwas sa kanya si Felix at tumingin kay Alvin. "What exactly do you want me to do?"

Napangiting tagumpay naman si Alvin, "ganito, ikaw ang lumapit sa kanya, makipag-ayos ka at alukin mo siyang bumalik. At para magka-ayos kayong dalawa, mag-bonding kayo o mamasyal."

Natulala naman si Samantha ng marinig nya ito.

Magbonding kayo.

Tila naramdaman ni Samantha na may nakatingin sa kanya. Nang tumunghay siya ay agad nyang nakita si Felix na mataimtim na nakatingin sa kanya.

"What do you think, Sam? " Alvin asked.

Napaiwas naman ng tingin si Sam kay Felix. "N-nice idea."

Felix sighed ,"hindi ako magaling sa salita," he said without looking at them.

"Akin na ang cellphone mo," wika naman ni Alvin.

Nagtataka namang itong ibinigay ni Felix.

May pinindot muna dito si Alvin bago ito ibinalik muli kay Felix. "Naka-save dyan ang number ko, itext mo ako kapag may tanong ka o hindi mo alam kung anong sasabihin at gagawin. Pero huwag kang maya't mayang gumagamit ng cellphone."

Bigla namang tumunog ang bell na ibig sabihin ay simula na ang klase. Nauna ng tumayo at umalis si Samantha doon.

"Nagmamadali?" Nagtatakang tanong ni Alvin.

.....

Tila lumilipad na naman ang utak ni Samantha habang na sa klase, maya't maya ring itong tumitingin kay Sarah, na siya namang napansin ni Sarah, sa kabila nito ay nanatiling naka-focus si Sarah sa sinasabi ng guro.

Statistics nila ngayon, at madaming kung ano-anong number, letters, formulas, table na isunusulat sa whiteboard ang guro.

"Tama 'yan ma'am tagalan mo pa," bulong ni Sam.

Pagkatapos isulat ng guro ang isang number at sinalungguhitan ito na tila ba ito ang final answer ay tumingin na ito sa mga estudyante. "Tutal hindi na kasya sa oras, ang last question would be your assignment, that's all for today, class dismissed."

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon