chapter 45

63 4 0
                                    

Contest

-2 months later-

Bababa na sana si Samantha sa hagdan pero napatigil siya nang marinig ang pinag-uusapan ng kanyang magulang. "Paano na ang gagawin natin?" boses ito ng kanyang ina.

"Hindi ko na alam, pero susubukan ko ulit na bumalik sa Batangas para ayusin 'to, pero kung wala na talaga, hindi ko na alam ang gagawin ko," maririnig ang pagod sa boses ni Mr. Quinn.

Napakunot naman ang noo ni Samantha.

Anong pinaguusapan nila?

Bakit parang hirap na hirap na si papa?

Napagdesisyonan na ni Samantha na bumaba. "Good morning ma, pa." Walang natanggap na sagot si Samantha tahimik lang na nakaupo ang kanyang magulang sa couch, nakabagsak ang mga balikat ng mga ito at magulo rin ang pagkakaayos ng buhok ng kanyang ama. "Papasok na po ako"

Aalis na sana si Samantha nang biglang magsalita ang kanyang ama. "Sam."

Muling napaharap si Samantha sa kanyang magulang. "Po?"

"Second sem na, ayusin mo naman ang pag-aaral mo, ang laki ng binabayad namin para sa tuition mo, ayokong malaman na ang matatanggap namin sa 'yo ay puro tres. Sam please! magbago ka na, wala ka sa public, nasa private school ka, huwag mo naman sayangin ang ginagastos namin para sa 'yo!"

Napatingin na lang si Samantha sa sahig. "Sorry po, this time po aayusin ko na."

"Huwag kang puro salita, patunayan mo!"

-At Tomj-

"Huhuhu! Sinigawan ako ni papa, huhuhu dati naman hindi nya ako sinisigawan kapag may kasalanan ako, kinukuha nya lang ang phone ko pero ngayon huhuhu!" Sabay singa ni Samantha sa tissue at tinapon sa trash can na ngayon ay punong-puno na ng tissue.

"Kung ikaw ba naman ang magiging anak, malamang nakaka-stress," sabi ni Alvin habang siya ay nagbabasa ng libro.

"Isa ka pa eh!" inihagis ni Samantha ang tissue kay Alvin at tumama ito sa binabasang libro ni Alvin.

"Sam!" diring-diri itong tinanggal ni Alvin pero kahit na inalis ito ni Alvin ay mayro'n pa ring sipon na naiwan sa book. "Aishh!" Nawalan na nang ganang magbasa si Alvin at padabog na ibinalik ang libro sa kanyang bag.

Hindi ito pinansin ni Samantha at nagpatuloy lang siya sa paghagulgol. "Huhuhu, kahit ano talagang gawin ko hindi pumapasok sa isip ko ang mga tinuturo ng mga professor natin, 'yong mga.... ano ba 'yon, prontal, oksipotal, arital, temporal?"

Nagpanting naman ang tainga ni Alvin nang marinig ito. "Bobo! frontal, occipital, parietal, temporal lobe" pagtatama nito.

"Kakasabi ko lang, bingi ka? Bingi ka?"

"Ito na naman sila...." wika Sarah na tila alam na ang dusunod na mangyayari.

Naglagay ng headset si Jacob sa kanyang tainga at nilakasan ang volume ng music. Si Felix naman ay tumayo at umalis ng Tomj.

Patuloy pa rin ang pag-aaway ni Samantha at Alvin, sa mga mata ni Sarah ay isang pusa at aso ang nasa kanyang harapan.

"Aw! Aw!"

"Miew!"

.....

Nang makarating si Felix sa locker room at nakaharap na siya sa kanyang locker ay isang sticky note kaagad ang tumambad sa kanya.

Hello, good morning! huwag magpakagutom, saka ngumiti ka naman, mas pogi ka kapag nakangiti.

-S-

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon