Complete
-Next day at the school-
Kasalukuyang nagpupulong ang grupo sa loob ng kanilang classroom, dito na nila napagdisisyunang mag-usap dahil sa wala sila ngayong teacher at wala rin dito ang kanilang mga kaklase. Ang iba ay naggagala, nasa canteen o sa kani-kanilang tambayan kaya solong-solo nila ngayon ang room.
"Kompleto na tayo," masayang sabi ni Samantha. "Welcome to the group, Jacob."
Jacob smiled. "Thank you."
"Good, ngayon mayro'n na tayong brain," sabay turo ni Samantha kay Alvin. "Mayro'nn na tayong sporty," sabay turo kay Felix. "Actress," pagturo nya kay Sarah. "At musician," pagtutukoy nito kay Jacob.
Nagtaka naman si Jacob kung paano nalaman ito ni Samantha pero na alala nya na sinabi nga pala nya ito kay Sarah na marahil na siya ang nagsabi kay Sam.
"At ako naman ang leader n'yo," proud na tinuro ni Samantha ang kanyang sarili.
Nasamid naman si Alvin sa kanyang iniinom na tubig, "ikaw leader? sigurado ka?"
"Oo, bakit may angal ka?"
"Hindi ako aangal kung nararapat ka ba talaga sa posisyong 'yan."
"Karapat-dapat naman ako ah, Mr. Genius."
Alvin made a sly grin. "Talaga? Sige nga, anong katangian ng isang leader na mayro'n ka?"
"Yon lang ba ang tinatanong mo Genius. O sige, hayaan mong sagutin ko 'yan. First, I have self-confidence, second, I have a positive attitude."
"Positive attitude parang hindi naman," Alvin whispered na narinig naman ng katabi nito na si Sarah kaya siniko nya ito para patahimikin.
"Third, mayro'n akong sense of humor."
Napataas naman ang kilay ni Jacob sa sinabi nya.
Characteristic ba ng isang leader ang sense of humor? tanong nito sa kanyang isip.
"Pang apat, pang apat.... ay ang aking mukha."
Hindi na napigilan ng kanyang mga kasama na matawa sa kanyang sinabi. Maliban lang kay Alvin na kanina pang nakasimangot, ay mas lalo lang bumisangot ang mukha.
"Bakit? masuwerte nga kayo at mayro'n kayong napaka gandang leader. Habulin na ng babae habulin pa ng lalaki."
Aangal sana si Alvin pero pinutol na siya ni Samantha.
"Panglima, ako ang bumuo ng grupo na ito, kaya sa ayaw o sa gusto n'yo, ako ang leader."
"Tomboy is right, Genius, saka ikaw na ang president ng section natin kung ikaw pa rin ang magiging leader ng grupong ito, sasakit lang ang ulo mo," Felix said.
Dahil sa sinabi ni Felix ay napaisip naman si Alvin. Dahil may punto nga naman ang kanyang sinabi, kaya sumangayon na siya dito.
Jacob raised his hand. "May I ask what the name of this group is?"
"Name oo nga no, bakit hindi ko naisip ang isang 'yon. Pano kung.... power rangers na lang," Samantha said.
Silence......
There was a long silence after she finished her word. Hindi nila alam kung matatawa ba sila sa kanilang narinig.
"Eksakto lima tayo," pagpapatuloy ni Samantha. "Ako si red, si Felix si green, si Jacob si blue, si Sarah si yellow at si Alvin naman si pink."
Alvin could not withstand this anymore and abruptly stood up. "No way!" He went berserk. Had this girl gone mad! "Pink! Power rangers?! Ano ba 'yan, Sam!"
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
Storie d'amoreSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...