chapter 41

69 4 0
                                    

A Long Night

Mabilis na pinaandar ni Felix ang kanyang sasakyan hanggang sa narating na nya ang coffee shop. Dali-daling bumaba si Felix at tumakbo sa coffee shop pero napatigil siya nang makitang sarado na ito at wala ng makikitang tao sa paligid, mababakas rin na umulan sa lugar na ito.

Naiinis nyang ginulo ang kanyang buhok dahil sa iritasyon sa nangyayari sa kanya ngayong araw.

Wala nang nagawa si Felix kundi ang umalis doon, pero habang siya ay naglalakad ay mayroon siyang naapakang bagay, na dahil dito ay muntikan na siyang madulas pero mabuti na lang at agad nyang nabalanse ang kanyang sarili.

Napatingin siya sa kanyang naapakan, isa itong cardboard na ngayon ay mayroon ng putik dahil sa naapakan nya ito, hindi na gaanong mabasa ang nakasulat dito.

'Gu.......JF'

"JF?"

Biglang pumasok sa kanyang isipan si Samantha.

Isa siya sa tumatawag sa'kin ng JF, siya rin ang nagplano na magkita kami rito at mahilig siyang gumawa ng mga ganitong bagay.

"Kay tomboy ata 'to." Pinulot nya ito mula sa lupa, "kung sa kanya 'to, bakit ito nandito? Naiwan?" Sinubukan nyang alisin ang putik pero mas lalo lang itong kumalat. Hindi na pinagkaisipan pa ito ni Felix at nagsimula na lang siyang maglakad papunta sa likod ng kanyang kotse at inilagay ang cardboard sa trunk.

Pagkapasok nya sa kotse ay agad na itong pinaandar, nang makarating na siya sa harap ng bahay ng mga Quinn ay bumaba na siya sa kotse at siya na mismo ang nagbukas ng gate dahil wala ngayon dito ang guard at kasama ito ni Mrs. Karen.

Kanya ng pi-nark ang kotse sa garage at bumaba na si Felix dito at kinuha ang cardboard.

Nang marating na nya ang pintuan ay napakunot ang noo ni Felix. "Hindi maayos ang pagkakasara ng pintuan." Kanya nang tinulak ang pinto, ''delikado----" napatigil si Felix sa pagsasalita at kanyang nabitawan ang hawak nyang cardboard. Naabutan na lang nya si Samantha na nakahandusay sa sahig.

"Sam!" agad siyang tumakbo papalapit kay Samantha at inalalayan ang ulo nito. Nagkadikit ang kanilang balat, "ang init mo at basang-basa ka pa?"

Kanya namang na alala nang pumunta siya sa coffee shop, maputik at mabasa-basa pa ang paligid nang siya ay pumunta doon at naamoy din nya ang mabahong singaw ng lupa na masasabing umulan sa lugar na iyon at sigurado si Felix na kakatigil lang ng ulan.

Kung babagong tigil lang ang ulan at basang-basa ngayon si Sam, hindi kaya ngangayon lang siya umuwi?

Mas humigpit ang yakap ni Felix kay Samantha. "I'm sorry, I'm sorry pinaghintay kita. Please, Sam, wake up." There was no response from Samantha.

Nag-aalala na si Felix kay Samantha. "Manang Nora!" sigaw ni Felix pero wala rin siyang natanggap na sagot kaya sumigaw siyang muli. "Manang Nora!" pero ganoon pa rin ang nangyari, nabalot sila ng katahimikan.

Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?

Hindi alam ni Felix ang dapat gawin dahil sa tanan ng buhay nya ay ngayon nya lang naranasan ang ganitong sitwasyon.

Natataranta nyang kinuha ang kanyang phone sa kanyang bulsa at nag-dial ng numero rito. Nang mayro'n nang sumagot ng tawag ay agad na nagsalita si Felix. "Dad, dad! Please help me, si Sam--- hindi ko alam ang gagawin ko."

"JF?"

Felix froze slightly, it's not his father, ang boses ay nanggaling sa isang babae, sa babaeng kanyang kinamumuhian. Felix was about to say something when he came to a halt and shut his mouth.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon