Love Others as You Love Yourself
Kasalukuyan ngayong nakahiga si Felix sa kanyang kama at nakatulala lamang sa kanyang kuwarto. Bigla na lamang napuno ng ingay ang buong silid, lumipas ang ilang segundo bago nag-sink in sa utak ni Felix na ring tone ito ng kanyang cellphone.
Hirap na hirap na inabot ni Felix ang kanyang phone, despite this, he is very excited and eager to get to the phone. ngunit nawala ito nang kanyang makita kung sino ang caller.
-Sarah-
I-n-end ni Felix ang tawag at walang ganang binalik ang phone sa side table.
Mayamaya lamang ay may maririnig na pagkatok mula sa pinto, hindi man lumingon si Felix dito ay alam na nya kung sino ito base pa lamang sa malumanay na mga yapak nito. "I was contacted by your teacher," wika ng kanyang ama. "She told me what happened." Hindi umimik si Felix at nanatiling nakahiga sa kama na hindi tumitingin sa direksyon ng kanyang ama.
"Mayro'n kang dalawang letters na natanggap," dahil mukhang walang interes si Felix na basahin ito ay ang kanyang ama na ang nagbasa. "This letter is to inform you that your son, John Felix Paxton, has been suspended from Vallex State University for 5 days." May makikitang pagkadismaya kay Mr. Nathan. "At ang isang letter naman ay galing kay Sam----"
Agad-agd na umupo si Felix mula sa pagkakahiga kahit na may iniinda siyang sakit nang marinig nya ito, kanyang tiningnan ang kanyang ama.
Mr. Nathan sighed at ibinigay sa kanya ang letter. "Son, kung may pinagdadaanan ka man ngayon sana naman hanggat maaari ay asikasuhin mo pa rin ang pag-aaral mo, para din 'to sa 'yo anak."
"Sorry, dad," mahinang sagot ni Felix. Umiling na lamang ang kanyang ama at sinara ang pinto. Pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad na binuksan ni Felix ang letter.
Dear JF,
Sorry kung hindi ko na nagawang magpaalam sa inyo ng personal saka parang hindi ko rin kakayanin na harapin kayo. Hindi ko na pagkakahabaan pa ito pasabi na lang din sa ibang member ng SFAJS na mag-iingat sila at ikaw rin mag-iingat ka. Good luck sa inyong lahat, ma m-miss ko kayo, good bye.
Your Friend,
SamLantay na binaba ni Felix ang kanyang kamay na may hawak na letter. Felix laid on Felix looked up out the window, noting that the lights in the bedroom opposite his had never been turned on since the intramurals. "Wala na talaga siya." He'd been used to seeing her from across the window since he was a child, seeing her figure playing games as well as her ruffled hair every morning and her dazed expression when their eyes met.
"Hindi ko maintindihan bakit ako nagkakaganito ngayon." Muling tumunghay si Felix, kanyang nilukot ang letter at hinagis ito. "Kung kailan na pinili ko nang magbago, na maging maayos na pakikitungo sa iba, kung kailan na maayos na kami ng ina ko, ikaw naman ang nawala." It bothered him so much that memories from his past surfaced in his mind.
Everything about her: her smile, her voice, her jokes, her eyes.
"What on earth is this, Tomboy? What have you done to me?" Muli ay tiningnan ni Felix ang gusot na letter na nasa study table, i-ika-ikang lumapit si Felix dito at pilit nyang pinapantay ang gusot na papel. Habang inaayos nya ang letter ay parang may napansin siya sa letter, kanyang hinipo ang mga letra na nakasulat dito. "Ang lettering na ito parang katulad ng..." agad nyang binuksan ang mga drawer hanggang may nakita siyang isang sticky note, ito ay kanyang tinago noon. Inilapag nya ito sa table at kinumpara ito sa letter ni Samantha.
Good luck Mr. VSU ipanalo mo ang CAS
-S-
Tiningnan nyang mabuti ang word na Good luck sa sticky note at sa letter ni Sam. "Magkaparehas, parehas na parehas."
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomansaSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...