Class Officers
"Good morning class."
"Good morning ma'am."
"Listen, ngayon ang nomination for class officers," wika ng kanilang guro na si miss Jen. "Siguraduhin n'yo lang na ang pipiliin n'yong class officers ay ang karapatdapat."
Samantha looked at Felix. "Kailangan nating apat na mapasama sa class officers," she said.
Felix knitted his brows. "ba't mo naman naisip 'yan? Dati naman ayaw na ayaw mo ang mapasama sa class officers, tapos ngayon?"
"Kasi ito ang unang step na makilala ang grupo natin, hindi lang dahil sa mukha natin kundi pati na rin sa pagiging responsableng studyante." Proud na proud na sinabi ni Samantha.
Felix laughed lightly. "Seryoso?"
She nodded. "Walang halong biro."
Napailing na lamang si Felix kay Samantha.
"President," pagsisismula ni miss Jen for nomination.
"Ma'am!" Samantha raised her hand.
"Yes Ms. Quinn?"
"I nominate Alvin Genis for class president." Pagkasabi nya nito ay isinulat naman ng guro ang pangalan ni Alvin.
Pagkaupo naman ni Sam ay tumingin sa kanya si Alvin ng nagtataka. "Bakit mo 'ko binoto? Ayokong maging president!"
Sam smiled at him. "Bakit? Bagay naman sa 'yo ang maging president, saka alam kong kaya mo 'yan." Umiwas na ng tingin si Samantha kay Alvin para hindi na ito sumagot pa.
"Alvin Genis has been nominated, are there other nominations?"
Siniko naman ni Sam ang kanyang katabi.
"What?"
Tiningnan siya ni Sam ng makahulugan.
"Fine," he said at kanyang itinaas ang kanyang kamay.
"Yes Mr. Paxton."
"I move that the nomination be closed," sabi nya ng walang kasigla-sigla.
Nabigla naman ang teacher at ganon din ang ibang estudyante sa sinabi nito pero wala namang tumutol dito.
"Ma'am!" Samantha said " I second the motion."
"It has been moved and seconded that the nomination for president be closed. Therefore our president is Mr. Alvin Genis. Alvin, please come here in front."
Samantha smiled at Alvin, na sya namang sinamaan ng tingin ni Alvin. "Lagot kayo sa 'kin mamaya," Alvin whispered.
Samantha shrugged her shoulders.
Labag man sa loob ay pumunta na sa unahan si Alvin at pinaltan ang kanilang guro sa pagli-lead ng botohan. "Vice-president."
"Vise-president gusto mo?" Felix asked.
"Ayoko! Treasurer na lang," Samantha answered.
"Hindi puwede sa'yo ang treasurer baka maubos ang pera namin sa'yo."
"Kung makapagsalita 'to---" aangal pa sana si Samantha pero na alala nya na may utang nga pala siya kay Felix. "o sige, sa ibang posisyon na lang."
"Secretary."
"Alvin!"
"Yes Sam."
"I nominate Sarah Manlangit."
May iba ring nag-nominate ng ibang pambato nila pero sa huli ay si Sarah ang nanalo dahil mas marami ang bumoto sa kanya.
Lumapit na si Sarah kay Alvin para siya ang magsulat.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...