Early-Morning Gift
"Good morning tito Nathan," masiglang bati ni Samantha ng buksan nya ang pinto ng bahay nina Felix.
"Morning, JF is still sleeping," the man's voice is gentle. "Kain ka muna."
"Sige po."
Sige po father in law kahit na kakakain ko lang basta para sa inyo.
Lumapit na siya sa dining table para saluhan sa pakain si Mr. Nathan.
"Flora!" Sigaw ni Mr. Nathan. Agad namang lumabas mula sa kitchen si manang Flora. "Hainan mo ng pagkain si Sam"
"Ok po," at dali-dali itong pumasok sa kitchen.
"Mabuti pa 'tong batang 'to kapag inaalok sa pagkain, kakain kaagad pero kapag si JF nako, aabot pa ng sampong tawag."
Gano'n po ba? Eh 'di pasado na 'kong maging daughter in law n'yo?
"Father in-----este Tito hindi dapat pinaghihintay ang pagkain, ang sarap-sarap n'yo kayang magluto."
Muntik na 'yon.
The man laughed lightly, "hindi ako ang nagluluto sa bahay."
"Ow, si manang Flora pala hihi ang sarap nyang magluto."
Mayamaya ay lumabas na si Manang Flora, dala ang pagkain ni Samantha.
"Yan na," Samantha was overjoyed. Pagkalapag na pagkalapag ni manang Flora nito ay agad na kinain ni Sam ito, "hmm the best talaga ang ang luto n'yo manang Flora."
Napangiti naman ang matanda sa sinabi nito.
Tiningnan naman ni Mr. Nathan ang kanyang relo, "ahhmm Sam maiwan na kita rito, kain ka lang. Kapag gusto mo pa sabihan mo lang si manang Flora," sabi nito at tumayo.
"Sige po, take care tito."
The man nodded and left.
Habang kumakain si Samantha. "Sam gusto mo bang gisingin ko na si sir Felix?" Manang Flora asked.
Samantha shook her head, "huwag na po, ako na ang gigising sa kanya tataposin ko lang po 'to."
Trabaho ko na gisingin ang asawa ko.
At dali-dali nyang inubos ang pagkain. Pagkaubos niya ng pagkain ay nanatili muna siyang nakaupo ng ilang sigundo. "Ang dami kong kinain ngayong umaga." In hushed tones, she said, "ok, oras na para gisingin ang honey ko," tumayo na siya sa kanyang pagkakaupo at naglakad papuntang hagdan. "Honey nandito na si wifey."
Nang nasa harap na nya ang pinto ng kuwarto ni Felix ay kumatok siya rito.
'Knock!'
'Knock!'
Walang sumagot.
"Tulog pa rin siya?" Hinawakan naman niya ang door knob nito para buksan. Laking tuwa naman ni Samantha ng hindi ito naka-lock.
Pagkapasok nya ay agad na bumungad sa kanya ang black and white nitong room, napad-pad naman ang tingin nya sa napakaraming libro sa tabi ng study table ni Felix.
Lumapit naman siya rito at kumuha ng isang libro. Sa tagal na nyang kaibigan si Felix ay napansin nyang may isa silang pagkakatulad nito, 'yon ay ang pagbabasa ng libro. Hindi lang halata sa kaniya.
Mahilig akong magbasa ng mga book pero hindi 'yong pang school na libro. Nako baka masunog 'ko lang 'yon.
Behind her, a voice said, "tomboy?" Medyo paos pa ang boses nito.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomansaSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...