III. chapter 22

73 4 0
                                    

Paparazzi 3

Pagkaupo ni Felix sa upuan ay malalim nitong tinitigan si Sarah.

JF kailangan natin si heaven.

Kung hindi nya lang sana sinabi 'yon, hindi ko naman gagawin ang lahat ng 'to. Maglunch at makipagusap kasama ng isang babae, wala 'yon sa list ko. Ayaw na ayaw ko na mapalapit sa mga babae o kahit hawakan man lang. Hindi naman ako ganito rati, simula lang ng araw na 'yon, pagkatapos ng araw na 'yon nagbago na ang tingin ko sa mga babae.

"Sarah.."

Napatingin naman si Sarah kay Felix. "Hmm?"

"Sabi ni Genius nag-quit ka na raw sa grupo?"

"Si Alvin ba? Genius pala ang tawag n'yo sa kanya."

Hindi na nag-atubili pa si Felix at nanatili pa rin sa tanong. "Bakit ka nag-quit?"

Napaiwas naman ng tingin si Sarah kay Felix. Nawala ang mapagpakumbabang ngiti nito kanina. "Dahil nahihirapan na 'ko. Nahihirapan ako sa tuwing kasama ko kayo, feeling ko hindi naman ako parte ng grupo. Hindi mo 'ko pinapansin, iniimikan, para lang akong hangin sa'yo. Sorry kung mababaw lang ang dahilan ko pero nasaktan kasi ako, masakit kasi 'yon para sa'kin."

Binalot sila ng katahimikan, na para bang sila lang ang tao sa restauran na iyon. Tila hindi nila naririnig ang ingay sa kanilang paligid. Ang tanging naririnig lang nila ay ang kanilang paghinga.

JF kailangan natin si heaven.

Tumayo si Felix sa kanyang upuan at dahil sa pagtayo nya ay nagsanhi ito ng ingay mula sa upuan at pinutol nito ang katahimikang bumabalot sa kanila. Unti-unti siyang lumapit sa harap ni Sarah.

Nagtataka namang tumingin sa kaniya si Sarah. Nagulat naman si Sarah ng biglang lumuhod si Felix. "F-Felix?"

Napatingin naman ang mga tao sa kanila, ang iba pa ay naglabas ng kanilang phone para video-han sila.

Mula naman sa malayo ay nando'n si Alvin na nakatinging mabuti sa kanila, samantala si Samantha naman ay hindi nya alam kung anong gagawin nya, titingin ba siya o hindi. Tila pinipiga ang puso nya sa kanyang nakikita.

Bakit? Bakit ka nakaluhod sa harapan nya? Hindi mo naman kailangan gawin 'yan!

Gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang pigilan sa ginagawa niya.

Pero ano lang naman ako sa kanya?

Kapatid?

Kaibigan?

Oo, kaibigan. 'Yon lang at wala akong karapatan na pigilan siya dahil kaibigan lang ako.

Dahil sa malayo ang dalawa kayna Sam, ay hindi nila magawang marinig kung anong pinaguusapan ng mga ito. Nakita na lang nilang tumango si Sarah at hinawakan si Felix sa pulsuhan nito para itayo.

She made contact with him? He never let any girl get close to him. But he allowed her to touch him.

Napaiwas ng tingin si Samantha sa dalawa at hinayaang mapuno ng hiyaw ng nasa paligid ang kanyang taynga. Napahigpit ang hawak ni Samantha sa baso at kanyang ininom ang tubig, na parang umiinom ng alak.

At kanyang inalapag ang baso sa mesa ng napaka lakas, na nagsanhi ng ingay. Nagulat naman si Alvin sa biglang ginawa nito, napatingin naman ang mga tao sa puwesto nila at napatigil sa pag-cheer kayna Felix.

"Genius tayo na."

"Aalis na tayo? Mamaya na."

"Kung ayaw mo dito ka na lang, ako aalis na, tutal mukhang ayos na silang dalawa," tumayo na ito at isinauli kay Alvin ang phone nito at naglakad na paalis.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon