chapter 30

71 5 0
                                        

Clarification

"May sinulat akong kanta-----wait, ang kanta ko! tinapon ni sir Mark!" Her eyes widened in disbelief. "Sabi ko na, sabi ko na nga ba, may nakalimutan ako! Argg!" Naiinis nyang sinabunutan ang sarili.

"Baka makalbo ka n'an, isulat mo na lang kaya ulit ang kanta mo," Alvin suggested

Napatingin si Sam kay Alvin na nakaupo sa sasakyan. "Hindi puwede, kapag nagsulat ako ng bago hindi na siya kagaya no'ng nauna kong sinulat, saka hindi ko pa naman 'yon kabisado."

"Pa'no kung magsulat ka na lang ng bagong kanta," wika ni Sarah habang pumapasok sa loob ng sasakyan.

"Ayoko! Mas gusto ko 'yong una kong sinulat ang kakantahin ko."

"Wala ka nang magagawa tomboy, o kung gusto mo, bukas mo na lang kunin," Felix said.

Napa sangayon naman si Sam sa sinabi ni Felix dahil may punto rin siya. "siya bukas na lang."

Papasok na sana si Sam sa loob ng kotse ng magsalita si Jacob. "I think wala na 'yon do'n bukas, kung bukas mo pa 'yon kukunin."

Samantha froze, and Felix looked at Jacob, perplexed.

"Kase ang pagkakaalam ko, kapag labasan na, laging nililinis ng mga janitor ang bawat room at kinokolekta ang mga basura."

"Hmm, tama si Jacob," Alvin said.

Nakapasok na ang kalahating katawan ni Sam sa kotse nang bigla itong lumabas at tinulak si Felix paloob ng kotse at sinara ang pinto na ikinagulat ni Felix at ang katabi nyang si Sarah.

Nang lumapat ang braso ni Felix kay Sarah, a chill ran down her spine.

"Could you move a little bit to the side?" Felix asked coldly.

"Oh, s-sorry," at gano'n nga ang ginawa nito kaya hindi na gaanong magkalapat ang kanilang braso. May makikitang pagkadismaya sa mukha ni Sarah.

Tama nga si Sam mailap nga si Felix sa mga babae, hindi nya gaanong pinapansin o kinakausap ang mga kaklase naming babae lalo na kapag may umaamin sa kanya. Hindi nya pinapansin ang mga babaeng iyon at ang masaklap pa ay itinatapon nya lang ang mga gift galing sa kanila, ayaw rin nyang hinahawakan siya ng mga babae.

Lihim nyang sinulyapan si Felix na nakakunot ang noo habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan nandoon si Samantha na hinihila si Jacob papunta sa driver seat.

Naalala ko tuloy noon no'ng nag-sorry ka sa'kin, no'ng hinawakan ko ang pulsuhan mo para tulungan kang tumayo, agad mong nilayo ang kamay mo mula sa pagkakahawak sa'kin.

Sarah shifted her gaze away from Felix and smiled inadvertently.

Kahit paano, hindi mo 'ko pinagtatabuyan tulad ng iba. Masaya na 'ko do'n... pero hindi ko maiwasang magnais ng higit pa.

Tinulak ni Sam si Jacob sa front seat at sinara ang pinto, nagtataka namang pinagmasdan ni Jacob si Sam habang naglalakad ito sa harapan hanggang sa makaupo na ito sa tabi nya. "Bakit pati ako kasama? Ipapahatid ko na lang kayo sa driver."

"Hindi pa tayo uuwi, babalik tayo sa school para kunin ang kanta ko, mag-drive ka na bilis!"

"A-alright," kanya ng binuksan ang makena at nagmaneho kahit na may parte sa kanya na hindi sangayon dito.

5:30 pm na nang silay nakapunta sa school, pagtingin ni Samantha sa likod ay mga tulog na ang tatlo, hindi na nya ginising ang mga ito at lumabas na ng kotse.

Pagkalabas ni Sama ay may narinig siyang pagbukas at pagsara ng pinto pagtingin nya dito ay agad na bumungad sa kanya ang glamorous face ni Jacob. "Samahan na kita."

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon