Alvin
"Ayokong pumasok!"
"Ayoko ngang pumasok sabi!" Sigaw ni Samantha habang hila-hila siya ni Felix. "Let me go!" She kept asking him to let her go pero kahit anong gawin nyang pag-alis sa kamay ni Felix ay hindi nya ito matangal dahil sa mas malakas si Felix kaysa sa kanya.
"You're not thinking straight Sam, pangalawang araw na natin 'to. Kahapon nag-cutting tayo tapos ngayon a-absent ka? Nahihibang ka na ba?" Wika ni Felix na hindi tumitingin dito at patuloy lang na hinihila si Samantha.
Samantha gave up on struggling. "Wala kasi akong allowance, galit na galit sa 'kin si papa"
Felix sighed. "Pahihiramin kita, ano ayos na?"
"Totoo? Bait talaga. Pautang ng 100" sabi nya habang nagpapa-cute.
"100! Halos inubos mo na ang baon ko, 50"
"70" Samantha
"60!" Felix
"80" Samantha
"70! Last offer na 'yon, kapag-umangal ka pa mangutang ka na lang sa iba"
"Sige ok na 'yon" Samantha raised her hands asking for money. Wala ng nagawa si Felix kundi ibigay ang baon nya. "Uutang ulit ako sayo ha."
"Ano! Wala ka pa rin bang allowance bukas?"
Samantha nodded. "One week akong walang allowance"
"Arg, uubusin mo ang pera ko."
"Don't worry JF, babayaran naman kita."
"Ako pa ang niloko mo"
"Promise!" Samantha raised her right hand. "Magbabayad na 'ko this time."
"Siguradohin mo lang," at naglakad na siya papuntang school.
"Oy, wait lang. Bagalan mo naman ang paglalakad mo."
.....
Habang naglalakad sila sa entrance ng school ay talagang nakaka-agaw pansin ang dalawang magkaibigan. Mayro'ng ibang naiinggit, ang ibang naman ay napapatigil sa ginagawa at paglalakad. Mayro'n ding iba na hindi maalis ang kanilang paningin sa dalawa.
Ang isa ay may artistahin ang dating at ang isa naman ay parang boyish na mukhang manika.
"Sino sila?"
"Ang pogi."
"Ang ganda nung babae, kaya nga lang mukhang tomboy."
"Kahit na tomboy 'yan papatulan ko pa rin."
"Kaklase ko sila."
"Talaga ang swerte mo"
"Anong pangalan nila?"
Felix's eyes dimmed as he heard the commotion, tightening his grip on his jacket.
"Hanep, para akong nasa runway, halos lahat nakatingin sa 'kin," wika ni Samantha.
Sa 'yo lang? Tanong ni Felix sa kanyang isip-isipan.
Hinubad ni Felix ang kanyang jacket at tinakip sa mukha ni Samantha.
"Ahh! Hoy! Alisin mo to wala akong makita!"
"Mas mabuti na 'yan para walang maingay"
.....
"Ok class, gusto kong malaman kung mayro'n nga ba kayong natutunan no'ng highschool kayo."
Abala si Samantha sa kanyang drawing habang ang kanyang kaibigan naman ay tahimik na nakikinig sa kanilang guro.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...