06/22
Kasalukuyan ngayong naglalakad si Samantha at Felix papuntang school. "Tomboy," ani ni Felix .
"Hhmm?" sagot naman ni Samantha na nauunang maglakad sa kanilang dalawa.
"Huwag muna tayong pumasok ngayon."
"Absent na 'ko kahapon, kailangan kong pumasok ngayon," wika ni Samantha na patuloy pa rin sa paglalakad, mas maayos na ang pakiramdam nito ngayon kumpara kahapon.
"Fiesta ngayon sa Brgy. Sampaguita." Hindi ito inimikan ni Samantha na tila ba hindi siya interesado sa kanyang sinabi. "Kakanta raw do'n si Moira Dela Torre."
Napatigil sa paglalakad si Samantha at napaharap kay Felix.
Felix gave a small grin. "Ano tara na?"
Mabilis na tumango si Samantha kay Felix at tumakbo papalapit dito pero sinigurado nyang may distansya sa kanilang dalawa. "Hindi porket dahil kay Moira ay okay na tayong dalawa, no, tandaan mo nilagnat ako dahil sa 'yo."
"Sorry na."
Inirapan lang ito ni Samantha at naglakad na papunta sa kabilang barangay. Dahil sa malapit lang ito ay nilakad lang ito ng dalawa.
Nang makarating na sila sa Brgy. Sampaguita ay napagdesisyonan muna nilang magsimba. Nang makapasok na sila sa simbahan ay nagmimisa na ang pari, umupo ang dalawa sa ikaapat na hilera. "Who ever claims to love God yet hates a brother or sister is a liar. Whoever does not love their brother and sister, whom they have seen, cannot love God, whom they have not seen. -1 John 4:20."
"Ano ba ang ibig sabihin nito?" tanong ng pari. "Mahal mo nga ba si God? Lagi kang sumisimba tuwing linggo, nananampalataya ka kapag nasa simbahan ka, pero paano pag-uwi? Paano sa bahay n'yo? Ha? Walang pagbabago, tamad, hindi sumusunod sa magulang, puro panlalait ang sinasabi sa mga anak, tapos kapag may nakasalamuha kang ibang tao kung ano-ano ang ihuhusga mo sa kanya, kahit kaibigan mo hinuhusgahan mo 'di ba? Oo sumisimba ka palagi pero 'yong sinasabi sa misa, papasok sa tainga mo pero paglabas sa simbahan, lumabasa rin ang mga aral na sinabi sa misa."
"Kung mahal mo si God, dapat mahal mo rin ang kapwa mo. Oo hinuhusgahan ka ng mga taong na sa paligid mo, tapos sasabihin mo, bakit ko mamahalin ang mga taong 'yan, hindi naman nila ako mahal. Huwag mong kuwestiyonin kung anong gusto mong gawin nila para sa 'yo, ang kuwestiyonin mo ay ang sarili mo, kung ano ang magagawa mo para sa kanila."
Habang nagmimisa ay lihim na sumulyap si Samantha kay Felix.
Kung mabibigyan ako ng chance na magkaroon ng isang wish kagaya sa movie na Aladin, siguro ang hihilingin ko ay sana mawala na ang galit sa puso ni JF.
Kung puwede lang.
Pagkatapos ng misa ay tahimik na lumabas ang dalawa, naputol ang katahimikan nang may marinig silang kumukulo, sabay na napatingin ang dalawa sa tiyan ni Samantha. Felix chuckled.
Hindi makatingin si Samantha sa kanyang katabi at kanyang hinawakan ang kanyang tiyan. Mayamaya ay naramdaman na lang nya ang kamay ni Felix sa kanyang pulso at bigla siyang hinila hinila nito. "Saan tayo pupunta?" Samantha inquired.
"Kakain."
Hanggang sa makarating na sila sa isang maliit na bahay, mula sa bahay na ito ay may isang ginang na nakikipag-usap sa kanyang bisita. Nang makita ng ginang ang dalawa sa labas ng kanyang bahay ay pinuntahan nya ang dalawa. "Hello sa inyo," nakangiting sabi ng babae.
"Happy fiesta po," Samantha said.
"Salamat, happy fiesta rin, pasok kayo, pasok."
"Thank you po," wika ni Felix at pumasok na ang dalawa.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...