Transformation
Nang matapos sila sa kanilang performance ang lima ay bumaba na sa stage at kanilang nilahad ang kanilang sombrero sa audience na siya namang nilagyan ng pera ng mga audience. Nang nakolekta na nila ang lahat ng pera, sila ay umakyat na sa stage at sabay-sabay na nag-bow.
Para makarami pa sila ng kita, sila ay hindi lang sa amusement park nag-perform, pumunta rin sila sa palengke, malapit sa simbahan, peryahan at kungsaan-saan pa hanggang sa inabot na sila ng gabi.
"Magkano na ang naipon natin?" Samantha asked.
"15, 522" Alvin said.
"Ayos! Puwede na 'yan."
-Two days later-
Magkasabay na pumasok ang lima sa school, lahat sila ay mayro'ng dalang gamit. Si Samantha ay mayro'ng bitbit na dalawang wooden chair at ganon din si Sarah, si Alvin naman ay bitbit ang mga parts ng soccer net, si Felix at si Jacob naman ay tulungan sa pagbuhat ng mga parte ng table tennis. At mayro'n namang apat na servants ang nagtutulungan sa pagbuhat ng hammock and outdoor umbrella.
Napatingin ang guwardya sa kanila, haharangin na sana ng guard ang lima ng biglang napatigil siya ng tumunog ang kanyang handheld radio.
"Papasukin mo sila," boses ito ng kanyang superior.
"Copy sir," hindi na nito pinigilan ang lima at pinasawalang bahala ang kanyang pagtataka dahil sa mga bitbit ng mga ito.
They were the center of attention the moment they walked through the school gates. They caused a commotion among all the students in the area.
Bigla na lamang silang dinumog ng mga tao, sa dami ng estudyante na pumalibot sa kanila hindi na sila makaalis sa kanilang puwesto.
"Sam, pa-picture!"
"Sam!"
"Jacob!"
"Felix, I love you!"
"SFAJS!"
Napuno ng ingay at sigawan sa entrance ng school, panay ang kanilang sigaw sa mga pangalan ng lima.
"Anong nangyayari?" nahihilong sabi ni Alvin.
"Masisisra na ang mga dala natin kapag nagpatuloy pa ito," nag-aalalang sabi ni Sarah.
Maraming estudyante ang naki-kipagtulakan at sumisiksik para lang makalapit sa lima at mayro'n pang isang babae na bigla na lamang hinila si Samantha.
"Woah!" muntikan na nyang mabitawan ang hawak nyang upuan dahil sa ginawa ng babae.
"Sam! Papicture!" excited na sigaw ng babae.
"Alright, relax," lumapit siya sa babae at ngumiti sa kamera nito. Pagkatapos noon ay nagti-titili ang babae at yumakap pa siya kay Samantha.
Hindi lang si Samantha ang nahihirapan sa kanilang sitwasyon, napatingin siya sa apat at halata na sa kanila ang pagod, lalo na si Felix na iritang-irita na sa mga babae na humahawak sa kanya. Hindi na rin nila makita ang apat na servant.
'Priiiit!' 'Priiiit!' Nakarinig sila ng tunog ng pito.
Pilit na inaalis ng limang guwardya ang mga estudyante hanggang sa unti-unti nang nawawala ang kumpulan dahil sa tulong nila. At lumapit ang limang guwardya sa grupo at sa mga servant para alalayan silang makaalis sa lugar na iyon.
Nang makarating na ang lima sa Tomj, nakapaskil pa rin sa kanilang mukha ang gulat.
"What was that?" naguguluhang tanong ni Felix.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...