chapter 24

54 4 0
                                    

A date?

Habang naglalakad sila papunta sa susunod nilang klase ay nabigla nalamang si Sarah nang biglang may humablot ng bag mula sa kaniya. "Hey!" Pag-aangal ni Sarah sa humablot nito.

"Sabi ni Sam ikaw raw dapat ang aking kumbinsihin, so hayaan mong ako na ang magbitbit nito para sa'yo, señorita," Jacob said.

"Sure ka? Kulay pink 'yan."

"Ok lang, basta para kay señorita."

Sarah smiled sarcasticlly, "kung inaakala mo na katulad ako ng mga ibang babae na pabebe, puwes nagkakamali ka. Akin na ang bag ko Jacob kayang-kaya ko ng buhatin 'yan." Sinubukan nya itong kunin kay Jacob pero mabilis si Jacob at agad itong nakaiwas sa kanya kaya hindi niya ito nakuha. "Akin na nga 'yan, ano ba!"

"Huwag na señorita ayokong mapagod ka, hayaan mo na ako na ang magbuhat nito."

"No thanks, hindi 'yan mabigat kaya akin na."

Habang nagkakagulo ang dalawa ay hindi nila napansin na napapalayo na sila sa grupo. Samantala si Samantha naman ay napapangiti habang pinapanood ang dalawa, lumapit siya kay Alvin. "Genius naiisip mo ba kung anong iniisip ko?" Bulong nito habang malapit sa taynga ni Alvin.

Nandidiri namang inilayo ni Alvin si Samantha mula sa kanya. "Of course not, iba ang pag-iisip nating dalawa, sa'kin matino, sa'yo puro mga kalokohan."

"Wow, lately napapansin ko na tumatapang ka na, kanino mo natutunan 'yan, ha?"

Felix laughed lightly, " kanino pa? E 'di sa'yo."

Napatigil si Samantha sa kanyang paglalakad "Sa'kin? Compliment ba 'yan?"

"Tinatanong pa ba 'yan Sam, malamang hindi," Alvin said.

Nagpatuloy muling naglakad si Samantha at humabol sa dalawa "kayong dalawa pinagkakaisahan n'yo ko. Whatever, nakikita n'yo ba ang dalawang 'yon?" Tinuro nito si Jacob at Sarah na patuloy pa rin sa pag-aagawan sa bag.

"Basically," Felix said.

"Hindi kami bulag Sam," Alvin said.

"Saglit kasi, patapusin n'yo muna ako. Parang may na aamoy akong something sa dalawa."

Habang nagsasalita si Sam ang dalawa naman ay walang pakialam sa sinasabi nito na para bang wala silang naririnig. Nakatingin pa rin si Samantha kayna Jacob at Sarah nang kanyang akbayan si Alvin.

"Ah!" At dahil sa matangkad si Alvin kaysa kay Sam ay wala siyang nagawa kundi ang yumuko.

"Mukhang mauunahan ka na ni Jacob, Geniusm"

"Tss," pabalyang inalis ni Alvin ang kamay ni Sam mula sa kanyang balikat. "I'm not interested in Sarah, Sam." At inayos ang kuwelyo ng kanyang uniform na nagulo dahil kay Samantha.

"Gano'n, mayro'n ka bang nagugustuhang iba?"

Napatigil naman si Alvin sa kanyang ginagawa.

"Oh? Bakit hindi ka sumasagot? Hmmm mukhang mayro'n nga."

"Wala!" Pagkasabi nito ay tumakbo si Alvin papunta kay na Jacob.

Hahabol sana si Samantha kay Alvin upang kulitin ito pero pinigilan siya ni Felix. "Huwag mo ng pakialaman ang buhay ng iba."

Samantha nodded, "sabagay," ang masd apat kong intindihin ay ang love life nating dalawa. Haayy, JF kailan mo ba ako mapapansin.

Pagkarating nila sa room.

"Here's your bag señorita" kinuha naman ito ni Sarah mula sa kaniya.

"My name is Sarah, not Señorita."

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon