Malaya Ka na
At gaya ng dati ay nakakatanggap pa rin ng notes sa kanyang locker si Felix kungminsan ay mga notes na nanggaling sa google at kung minsan naman ay walang kuwenta o wala itong laman pero ang hindi maintindihan ni Felix ay kung bakit sa tuwing pumupunta siya sa locker room at may nakikitang notes dito ay binabasa nya pa rin kahit na wala naman itong kuwenta.
"Okay na, open your eyes," wika ng isang malaki na pilit na pinapaliit na boses.
At gano'n na nga ang ginawa ni Felix at lumantad sa kanya ang mukha ni Mr./Ms. Veronica.
"Perfect!" Ms. Veronica exclaimed, at kanyang inibo ang upuan ni Felix.
Ngayon ang kanya nang nakikita ay ang kanyang sarili sa salamin, mas luminis ang kanyang mukha, nawala na ang labis-labis na buhok sa kanyang kilay at ang kanyang buhok ay nakaayos kung saan ay hindi na natatakluban ang kanyang noo, mas naging maaliwalas na nito.
Ngayon na ang araw ng intramurals kaya kasalukuyan na siyang na sa dressing room ngayon.
Napaiwas naman ang tingin ni Felix sa salamin ng may nagsalita, at pagtingin ni Felix dito ay ang malaking ngiti ni Alvin na may hawak-hawak na gold na medal at kasama naman niya si Sarah na meron ding hawak na trophy. "Mukhang nanalo kayo," Felix said.
Nang marinig ito ni Alvin ay mas lumaki ang ngiti ni Alvin. "First place."
"My team came in second," wika naman ni Sarah na may ngiti rin.
May napansin naman si Felix na parang may kulang. "Asa'n si tomboy?"
"Nasa kabilang room kasama si Jacob, magkasabay ang event n'yo kaya naghahanda na rin sila ngayon," page-explain ni Sarah.
"Kasama ni Jacob?" mahinang bulong nito pero nagawa pa rin itong marinig ng dalawa.
"Hhmm, siya ang guitarist ni Sam, hindi nya ba nasabi sa'yo?" tanong ni Sarah.
Wala namang naisagot dito si Felix.
"Nagwawala nga doon si Sam hindi ka daw nya mapapanood kaya ito," sabay labas ni Alvin ng isang camera. "Video-han daw kita."
Ngiti lang ang sinagot ni Felix dito pero napakalamig nang ngiting ito.
Nilapag naman ni Sarah ang kanyang trophy sa table ni Felix. "uhhm, good luck sa'yo Felix, doon na 'ko kayna Sam."
Tumango naman si Felix dito at umalis na nga si Sarah.
"Bakit nya 'to iniwan?"pagtutukoy ni Alvin sa trophy.
"Siguro, good luck charm," pagsisingit naman sa kanila ni Veronica. "Nagd-date ba kayo?"
Agad na nagsalubong ang kilay ni Felix. "Hindi," maikling sagot nito at saka tumayo.
Agad naman siyang pinigilan ni Veronica. "Ohh, saan ka pupunta?"
"Sa kabilang room," walang ganang sagot nito.
"Hindi puwede, 10 minutes na lang go-gora ka na."
Pero hindi nakinig dito si Felix at patuloy pa rin siyang umalis doon.
"Felix!"
Samantala, ang mga estudyante na naghihintay sa labas ng dressing room para sana masilayan ang SFAJS ay naghiyawan nang kanilang makita si Felix na nakabarong tagalog, ngayon lamang nila ito nakitang nakasuot ng traditional outfit ng Pilipinas, na tamang-tama ang sukat sa kanyang katawan at nang nakasuot siya nito ay parang nabawasan ang magkamestizo nito at lumantad ang kanyang pagkapilipino.
Hindi na napigilan ng mga estudyante at sinunggaban na nila si Felix. Maliksi namang iniwasan ito ni Felix pero mas duma-dami na ang lumalapit sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumakbo, hanggang nakapunta siya sa restroom at agad na sinarado ang pinto.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...