chapter 39

54 5 0
                                    

Rest

-5 pm-

Kasalakuyan ngayong nagmamaneho si Jacob pauwi dahil kakatapos lang nila ng kanyang kapartner sa kanilang ginagawang project.

Napatigil ang kotse ni Jacob dahil naka-red light ang traffic light. Habang nakatigil pa ang mga sasakyan ay naisipan ni Jacob na ibaba ang side window ng sasakyan, nang naibaba na nya ito ay napatingin siya sa katabi nitong cab at ang mas nakaagaw pansin sa kanya ay ang babaeng nakasakay sa backseat nito kung saan ay pamilyar na pamilyar siya sa babaeng ito. "Sam" In a low voice, he said.

Mula sa kanyang puwesto ay malinaw nyang nakikita ang maaliwalas na ngiti ni Samantha habang nakatuon ito sa kanyang cellphone. Habang tinititigan nya ito ay muling pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ng dalaga.

"Aamin na 'ko.... aaminin ko na ang nararamdaman ko kay JF."

Nang maalala nya ito, tila nawalan ng buhay ang kanyang mga mata. Muling napatingin si Jacob sa maaliwalas na ngiti ni Samantha.

Magiging masaya ka ba sa kanya?

Nanatiling nakatitig si Jacob kay Samantha hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin.

'BIFF! BIFF!' A car honked.

"Hoy! Ano! Hindi ka ba aalis diyan! Nagmamadali ako oh!"

Tila natauhan si Jacob nang marinig nya ang galit na sigaw ng lalaki mula sa kanyang likod, kaya napatingin siya sa kanyang unahan, wala na ang kotse na nasa kanyang harapan kanina. Dali-dali ng pinaandar ni Jacob ang kanyang sasakyan.

At mula sa hindi kalayuan ay kanyang natatanaw ang cab na sinasakyan ni Samantha pero mula din sa hindi kalayuan ay kanya na ding natatanaw ang daan papunta sa kanilang village. Nang makalapit na siya dito ay kanya nang niliko ang kanyang sasakyan papuntang kanan pero habang siya ay nagmamaneho ay bigla nyang inapakan ang preno at nag-u turn, at muli siyang bumalik sa highway na dinaanan ng cab na sinasakyan ni Samantha.

At mula sa malayo ay kanyang natanaw ang cab, halos 75 feet na ang layo nito sa kanya. Kanya itong sinundan, hanggang sa tumigil na ito sa isang coffee shop. Pinagmasdan ni Jacob ang pagbaba ni Samantha sa cab at sa kanyang pagpasok sa shop.

Inihinto na ni Jacob ang kanyang sasakyan kung saan ay hindi ito kalayuan pero hindi rin ito kalapitan sa shop. At mula sa kanyang puwesto ay kanyang natatanaw si Samantha sa salamin ng shop.

-8pm-

Nandoon pa rin siya sa shop at nakatanaw sa labas na tila may hinihintay hanggang sa nilapitan na siya ng waiter. Hindi naririnig ni Jacob ang kanilang pinaguusapan pero nakita na lang niya si Samantha na lumabas ng shop, at na natili sa labas ng shop kahit na nagsara na ito.

Hinawakan ni Jacob ang door handle na tila ba ay kanyang bubuksan ito pero inalis ni Jacob hawak dito at sumandal na lamang sa upuan.

Dito ba ang balak n'yong magkita?

Anong oras na, naghihintay ka pa rin?

Paano kaya kung ako ang katagpo mo, siguro hindi ka maghihintay ng ganito.

-10pm-

Nakatayo pa rin si Samantha doon na may yakap-yakap na cardboard hanggang sa inabot na siya ng ulan. Nang makita ni Jacob si Samantha na hinahayaan ang sarili na mabasa ng ulan ay hindi na nakatiis si Jacob at lumabas na siya sa kotse at pumunta sa likod nito, kaniyang binuksan ang trunk at kinuha niya mula dito ang isang itim na payong.

Maglalakad na sana siya papunta sa puwesto ni Samantha nang mapatigil siya. Nag-aalinlangan siya kung dapat ba nyang puntahan si Samantha o hindi.

Hindi ako ang inaasahan nyang makita, kundi si Felix.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon