II. chapter 20

77 5 0
                                    

Early-Morning Gift

"Wala."

"Wala na. Huwag mo ng hanapin," he stated coldly.

Naguluhan naman si Sammantha sa tono ng boses nito.

"Gusto mo bang kumain?" Felix asked.

"Ha? Nako, nako hindi na, busog na busog na 'ko. Baka sumabog na ang tiyan ko kapag pinakain mo pa 'ko. Ibabalik ko lang 'to." Kanya nang ibinalik ang litrato sa dati nitong puwesto at ibinalik ang photo album sa ilalim ng tv.

Pagkabalik nito ay pumunta siyang muli sa kusina para samahan si Felix. "JF pahiram ng phone mo naiwan ko 'yong akin eh."

"Nando'n sa kuwarto, nasa study table."

Pagkarinig nito ay dali-dali namang umakyat si Samantha. Pagpasok nya doon ay nag-flush naman sa kanyang isipan ang nangyari kanina.

Ang magulo nitong buhok, ang maputi  at ang yummy nitong pangangatawan. Para siyang inaakit nito.

Samantha blushed as she gulped. "Wake up! Wake up, Sam!" Hinampas-hampas nya pa ang kanyang pisngi upang matauhan ito.

Nang mahimasmasan ay nakita naman nya ang phone ni Felix na nakapatong sa study table at kanya itong kinuha. Aalis na sana siya pero napatingin siya sa higaan. "Ano kayang feeling na makahiga sa kama ni John Felix Paxton," she said quietly.

Unti-unti siyang lumapit dito, nang makalapit na siya rito ay dahan-dahan naman siyang umupo at hinaplos ang malabot na higaan na ito. Dahil sa lambot nito ay hindi na niya na tiis na humiga sa malaking kama ni Felix. "Hmm, amoy JF. Dito na lang ako."

She took Felix's phone and turned it on, bumungad sa kanya ang wallpaper nito.

Si JF, tito Natan at ako na masayang nakangiti sa litrato.

You're like sister for me.

Samantha slightly smile, "ok na 'to, at least hindi nya ko iniiwasan gaya ng ginagawa nya sa iba. Masaya na 'ko kahit kapatid lang ang turing nya sa'kin, kaysa sa wala."

Sinubukan nyang laruin ang palaging nilalaro ni Felix na Mobile Legends. Pero hanggang sa huli ay sumuko na lang siya dahil palagi na lang siyang namamatay. "Ano ba 'yan! Hindi man lang ako makapatay miski isa! Arrgg ang pangit ng larong 'to."

Nag-quit na siya sa larong ito at tumingin na lamang siya sa gallery pero bago pa nya mabuksan ito ay bigla na lang pumusok si Felix sa pinton na nagmamadali. "Sam!"

Nagulat naman si Samantha sa sigaw nito kaya napaupo siya bigla. Hindi pa nakakapagsalita si Sam ay bigla na lang kinuha ni Felix ang phone mula sa kanya.

Nakakunot namang pinanuod ni Samantha si Felix na nagpipindot sa screen. "Anong problema mo?"

Pero hindi siya pinansin nito at patuloy lamang ito sa kanyang ginagawa. Mayamaya ay ibinalik na nito ang phone kay Samantha.

Nagtataka namang tinanggap ito ni Sam. Nang sinubukan nyang buksan ang gallery ay may lock na ito. "Anong password nito?" Samantha asked.

"Secret."

"Bakit mo ni-lock?"

"...."

"Alam ko na, siguro mayro'n kang ano rito no? Tsk tsk tsk mga lalaki nga naman."

Agad namang naintindihan ni Felix ang ibig sabihin ni Samantha, na siyang ikinapula ng pisngi nito. "Anong sinasabi mo, wala akong gano'n baka ikaw ang mayro'n."

"Huwag mo ng itanggi."

"It isn't what you think."

"If so, why did you lock it?"

"It only.... fine! Think whatever you want," sabi niya at padabog na lumabas doon.

"Inamin din, tsk, tsk, mga lalaki talaga oo" She says wondering, at nagpatuloy na lamang sa pagkulikot ng cellphone ni Felix.

.....

"Oh 'yan na cellphone mo, hindi ko rin naman magamit," kanyang hinagis ito kay Felix na nakaupo sa couch, na siya namang nasalo ito.

"May games naman dito ah."

"Mayro'n nga, iisa naman tapos ang pangit pa," sabi nito at tumabi kay Felix.

"Ang sabihin mo bulok ka lang maglaro."

"Hindi ako bulok maglaro, pangit lang talaga 'yong laro."

Felix chuckled, "talaga ba?"

Samantha rolled her eyes.

Oo na, ako na, inaamin ko na, bulok talaga ako maglaro pero hindi ko sasabihin 'yon sa kaniya noh.

"Bakit ka ba nandito?" Felix asked.

"Wala akong magawa sa bahay, wala do'n ang parents ko. Kaya dito na lang ako"

"Ako naman ang guguluhin mo."

"Tumpak! Bakit ayaw mo ba na nandito ako?"

"Yeah," maikli nitong sagot.

"Ang sakit mo namang magsalita, ginaganyan-ganyan mo na ako? O sige! FO na tayo."

"FO?"

"Friends over."

"Ok."

"Grabe ka talagaaa."

Pilyo namang ngumiti si Felix.

---SILENCE---
.
.
.

"Tomboy, anong opinyon mo kay Sarah?" Biglang tanong ni Felix

"Hmm, para sa'kin ayos naman siya gaya nga ng sabi ni Alvin talented siya. Siguradong makakatulong siya sa grupo natin."

Natahimik naman si Felix sa sagot nito.

"Ikaw anong satingin mo?"

"She does not appeal to me."

Nasamid naman si Samantha sa sarili nyang laway sa sagot nito, "ano?"

"I said, I don't like her."

"Grabe ka talaga. Ano bang problema ng mga babae sa'yo? Halos lahat ata ng babae sa mundo kinadidirian mo."

"Except you."

Samantha look at Felix.

Yeah except me because you consider me as a sister.

-At 9 pm-

Nagdo-drawing si Samantha ng isang animation ng isang half-naked na lalaki.

Ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala face ang perpekto sa'yo, hindi ko akalaing napakaganda at perpekto rin pala ng katawan mo. Hehehe

 Hehehe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon