Invisible
-At Tomj-
"So, Sarah Manlangit," sabi ni Samantha kay Sarah na nakangiti sa kanilang tatlo.
Habang nakaupo silang lahat sa damo, si Samantha at Alvin ay mausisang pinagmamasdan si Sarah, samantala si Felix naman ay walang pakialam sa babaeng nasa harap nila at patuloy lamang sa paglalaro sa cellphone nito.
Nai-ilang naman si Sarah sa patuloy sa pagtitig sa kanya ng dalawa. "Ahhmm?"
Patuloy pa rin sa pagtitig ang dalawa sa kaniya. Kinabahan naman si Sarah sa pagtitig ng mga ito.
Bigla namang tumango si Samantha, "puwede, puwede," sabi nito.
Napakunot naman si Sarah sa sinabi nito.
"Pretty, slender and talented," Samantha.
Napahinga naman ng maluwag si Sarah sa sinabi nito, "thank you."
"Ikaw Felix anong satingin mo?" Alvin asked.
"Ay nako Alvin, huwag mo ng tanungin 'yan. Tingnan mo nga, may sariling mundo," Samantha said.
I don't like her.
Naalala naman ni Samantha ang sagot ni Felix sa kanya ng tinanong nya ito sa kaniya kahapon. Palihim namang napangiti si Samantha ng masagi sa isip nya ang sagot nito.
Hindi nya mintindihan kung bakit natutuwa siya sa sagot nito sahalip na magalit. Siguro dahil selfish siya para kay Felix.
Hindi ko siguro kakayanin kapag nagkaroon na siya ng ibang babae sa buhay nya maliban sa'kin. Baka ikaguho 'yon ng buhay ko.
"Hi Felix," Sarah said.
Hindi ito sumagot sa kanya, napasimangot naman si Sarah dahil dito.
"Ahh, Sarah ganyan lang talaga 'yan, naglalaro kasi. Hindi ko nga rin 'yan maistorbo kapag naglalaro siya, masyado siyang adik sa ML," Alvin said.
"Gano'n ba, mamaya ko na lang siya kakausapin," mahihin nitong sagot.
.
.
.'VICTORY'
Nang matapos sa paglalaro si Felix ay inilagay na niya ito sa kanyang bag.
Napansin naman ni Sarah na hindi na siya naglalaro kaya agad nya itong nilapitan. "Aahh, hi Felix."
Pero tila parang walang naririnig si Felix. At tumingin lang siya kay Samantha at Alvin. "May kukunin lang ako sa locker," sabi nito.
Si Sarah naman ay naghihintay sa sagot nito o kahit na tumingin lang ito sa kanya.
Pero nakatayo na ito't lahat ay hindi man lang ito lumingon kay Sarah at hanggang umalis na ito doon.
Napabagsak naman ang balikat ni Sarah.
"Hehe, ang ibig nyang sabihin do'n ay hello," wika ni Alvin para mapagaan ang loob ng kasama.
"Sana nga," Sarah. Bigla namang mayro'ng umakbay sa kanya, at tiningnan naman niya ito. "Sam?"
"Mula ngayon, sanayin mo na o masanay ka na sa pakikitungo nya sa'yo."
Papansinin ka lang nyan kung tomboy ka pero hindi ko 'yan sasabihin sa'yo, baka agawan mo pa 'ko.
At sa mga sumunod na araw ay mas lalong naramdaman ni Sarah ang malamig na pakikitungo ni Felix sa kanya.
-At canteen-
Si Sarah ang bibili ngayon. Natanong na nya si Sam at Alvin sa gusto nilang kainin. Hiyang-hiya naman siya ng tinanong nya si Felix, "ahh Felix anong iyo?"
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
Roman d'amourSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...