Our Stage
Isang linggo, inabot sila ng isang linggo sa practice para ma-perfect ang kanilang performance, kasalukuyan silang nasa bahay ni Jacob para ihanda ang kanilang mga gamit.
"Mabuti na lang wala tayong pasok ngayon, nakapag-prepare pa tayo bago mag-perform," Sarah stated.
"Huwag na lang kaya nating ituloy," biglang sabi ni Alvin.
"Bakit naman?" takang tanong ni Jacob.
"Baka mapahiya lang tayo sa gagawin natin."
"Kinakabahan ka lang, huwag kang mag-alala kasama mo kami," wika ni Felix.
"First time kong gagawin ito."
"Ako rin first time ko ito," Samantha said.
"Ngayon ka lang kakanta sa harap ng maraming tao? Paano kung pumiyok ka?" Gulat na sabi ni Alvin.
Agad na nawala ang excitment sa mukha ni Samantha at napaltan ito ng pagkakaiyamot. "Ay grabe! Eh ikaw, pa'no kung magkamali ka sa pag-drums mo ha?"
Papaluin na sana ni Samantha si Alvin ng drumsticks pero agad na napigilan ito ni Felix. "Huwag mong gamiting pampalo 'yan, baka masira wala siyang magagamit mamaya."
"Siya kasi eh, kapag ako ang kausap nya lagi na lang akong binabara, pero kapag kayo ang kausap nya matino naman siyang kausap."
"Tiisin mo na lang Sam, baka ganan lang ang way nya para mawala ang kaba nya," ani ni Sarah.
Ahh gano'n pala ang way nya para mawala ang kaba nya, bakit hindi na lang siya magtata-talon para mawala ang kaba nya, para hindi siya nakakainit sa ulo sa isip-isip ni Samantha.
"Iligay na natin ito sa truck," singit ni Jacob sa mga ito at nagsimula na silang magbitbit ng mga music instrument at maayos na inilagay sa likod ng minitruck.
Pagkatapos nilang mailagay ang mga gamit ay sumakay na si Jacob at Alvin sa minitruck at dahil sa dalawang tao lang ang kaya nitong isakay ang iba ay sumakay na sa kotse ni Felix.
Nauna ng umandar ang kotse ni Felix, "saan tayo pupunta?" Felix asked.
"Saan ba maraming tao?" Samantha said
"Sa amusement park kaya?" Felix replied.
"Oo nga no, ok doon na tayo."
At niliko na nga ni Felix ang manibela at pinaandar ang kotse sa direksyon kung saan ang daan papuntang amusement park, at sumunod naman sa kanila ang minitruck ni Jacob.
"Puwede ba tayo doon?" nag-aalalang tanong ni Sarah.
"Puwede 'yan, hindi naman tayo magpe-perform mismo sa loob, kahit sa labas o malapit lang doon, ayos na 'yon."
"So parang manga-agaw tayo ng costumer?"
"Tumpak!" pilyang sabi nito.
Mayamaya rin ay nakarating na sila sa amusement park at napagdesisyonan nilang sa kabilang kalsada na sila mag-perform kung saan ay katapat lang nila ang amusement park. At mula sa labas ng nito ay maraming tao na nakatambay rito, ang iba ay may hinihintay, ang iba naman ay tamang tambay lang.
Habang inaayos ng grupo ang mga instrument ay may ilang napapatingin sa kanilang puwesto dahil sa kanilang mga dala-dalang malalaking speaker, mic, drums na talagang nakakaagaw pansin kaya madami na ang nagiging curious sa balak nilang gawin.
Mayamaya rin ay natapos na sila sa kanilang pag-aayos, hinawakan na ni Samantha ang isang mikropono. "Mic test, mic test. Ehem, hello ladies and gentlemen, we are the SFAJS." nakahilera ang lima, lahat sila ay pare-pareho ang kulay ng damit which is sky blue pero magkakaiba sila ng style ng suot. Si Samantha ay naka-denim jumper pants, si Sarah ay naka-dress, si Alvin ay naka-white t-shirt and blue shorts, si Felix naman ay naka-blue t-shirt and ripped jeans at si Jacob naman ay naka-blue hoodie jacket. At lahat sila ay may cap na kulay puti.

BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomansaSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...