Short Hair
Kasalukuyan ngayong nagmamaneho si Felix, katabi nya si Alvin at nasa likod naman nila si Sarah. "Sigurado ba kayo na nasa Batangas nga siya?" tanong ni Felix sa dalawa.
"Ayos lang naman sa 'kin kung hindi mo paniwalaan ang sinabi ko, you can stop the car at any time at bumalik na lang tayo," Sarah expresses herself openly.
Pero hindi nagpaapekto si Felix dito at itinigil nga ang sasakyan. "Ayos lang naman sa 'kin kung kami na lang ni Genius ang pumunta, you are now free to leave."
Tumaas naman ang kilay ni Sarah. "If I leave, sa tingin mo makukumbinsi mo si Sam sa word na sasabihin mo sa kanya, na ikaw lang? To the best of my knowledge, I believe you will require my assistance in resolving the misunderstanding because it concerns the two of us."
"Arg! Puwede ba tumigil na kayong dalawa, wala tayong patutunguhan kung away kayo nang away." Pinagmasdan ni Alvin ang dalawa na parehas na masamang nakatingin sa salamin.
Hays ngayon alam ko na kung gaano kasakit sa ulo sa mga taong nakapaligid sa 'min ni Sam sa tuwing kami'y nag-aaway.
"Felix, chi-n-eck ko na ang social media ng parents ni Sam at gaya ng sabi ko dati may konti akong kaalaman sa pag h-hack kaya sa tangin ko ay tama nga ang sinabi ni Sarah, na sa Batangas nga sila," wika ni Alvin.
Pinagpatuloy na ni Felix ang pagmamaneho at nabalot nang katahimikan ang loob ng kotse. Nabasag din ito nang umimik si Sarah, "aaminin ko, it's my fault, sorry," mas kalamado na ngayon ang kanyang boses kumpara kanina. "No'ng intramurals, no'ng tayo lang dalawa ang nasa tomj, ang totoo n'yan nadoon din si Sam, nakikinig siya sa 'tin," wika ni Sarah habang nasa labas ng bintana ang tingin. "Pero aminin mo, may kasalanan ka rin dito, you mentioned that you like me as well, which she may have misinterpreted."
Hindi nakaimik si Felix at mas lumumbay ang kanyang mata, umulit sa isipan ni Felix ang sinabi ni Sarah.
Nadoon din si Sam, nakikinig siya sa 'tin
Marinig pa lang na tawagin ko si Sarah na S, 'yon pa kayang....
Lagi ko na lang siyang nasasaktan, miski no'ng bata pa kami, tapos ngayon sinasaktan ko pa rin siya.
.....
"Tao po! Tao po!" pagsigaw ni Alvin sa isang bahay na katamtaman lang ang laki na tama lang sa isang pamilya. "Tao po!"
"Mukhang walang tao," wika ni Felix.
"I still can't believe it, dito na ngayon nakatira si Sam," nakangiwing wika ni Sarah, "mahirap na ba sila ngayon?"
Felix glared at Sarah. "Anong tabas ng dila 'yan, pinapakita mo na ngayon kung sino ka talaga? Hindi bagay sa 'yo ang last name mo."
Napairap naman si Sarah sa sinabi ni Felix. "Duh! Ano satingin mong century tayo ngayon? Wala ng santo santa ngayon."
"Guys! Ano na?! Tara na!" sigaw ni Alvin na ngayon ay nasa loob na ng kotse.
Sa sunod nilang destinasyon ay bumaba na sila sa harap ng isang eskuwelahan, mula sa labas ng paaralan ay mayro'ng mga magkakatabi na karenderya at mga taong naglalako ng kanilang tinda gaya ng mga manga, fishball, ice candy, lumpia at kung ano-ano pa. "Sure ba kayong school 'to hindi palengke?" wika ni Sarah.
Hindi na pinansin ni Alvin at Felix si Sarah at lumapit na lamang sa gate ng school na medyo kalawangin na, lumapit naman sa kanila ang guard. "Visitor?"
Tumingin muna si Alvin sa dalawa nyang kasama bago siya nag-aalinlangang tumango.
"Anong reason of visit?"
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomansaSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...