Sarah
Umupo na si Samantha sa tabi ni Felix at sumubo ng kanin.
"Samantha, kanina kinamusta ka ni Jacob 'di ba?" Alvin.
Samantha nodded. "Hmm," sabi nya, na punong-puno ng pagkain ang kanyang bibig.
"Magkakilala kayo?"
"Oegsj magskskjsi."
"Ha?" Nagtataka siya sa sinabi ni Samantha dahil hindi nya ito maintindihan. "Ubusin mo muna kaya 'yang kinakain mo."
Kinuha naman ni Samantha ang kaniyang tubig at ininom ito hanggang sa wala ng pagkaing natira sa kanyang bibig. "Sabi ko, oo magkakakilala kami."
"Matagal na kayong magkakilala?"
"Hindi, nagkakilala kami no'ng hinahabol-habol ka pa namin no'n. Kakahabol ko sa 'yo muntikan na 'kong mabangga."
Nasamid naman si Alvin sa kanyang pagkain.
'Cough!'
'Cough!'
Dali-dali naman nyang kinuha ang tubig na nasa harapan niya.
"At siya ang may ari ng sasakyan na muntik ng makasagasa sa 'kin," sabi ni Sam sabay subo ulit ng kanin. "Hindi naman dumali 'yong sasakyan nya sa 'kin kasi nakapagpreno kaagad siya," at sumubo pa ulit muna siya ng pagkain. "Ang bait nga nya eh, pinipilit nya pa rin akong ihatid sa hospital pero ayaw ko, kaya siya na lang ang gumamot ng sugat ko, na hindi naman nya kagagawan, natamo ko 'yon dahil sa kalampahan ko," sabi nya at nagdiretsyo na sa pagkain.
"Yon naman pala. Oy Felix, huwag mo ng pag-initan 'yong tao. Mabait naman pala siya."
Felix just ignored him. Habang kumakain ang tatlo ay mayro'n namang nangyaring gulo malapit sa kanila.
"Ah! Look what you've done!" Sigaw ng isang babae, may kahalong kulay violet na ang kanyang puting tshirt.
Naagaw naman nila ang pansin ng lahat ng tao sa cafeteria.
"Nako hirap labhan n'an," Alvin said. "Oh! Kaklase natin 'yong kaaway nya!"
Tumingin naman si Samantha doon. Kulot na hanggang balikat na buhok, singkit na mga mata at maputing kutis. "Oo nga, siya 'yong katabi mo. Ano ngang pangalan nya?" Samantha asked.
"Sarah Manlangit."
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw ng babae.
"Nagsalita ang hindi rin naman tumitingin sa daan," kalmadong sabi ni Sarah.
"Dapat pala hindi na 'ko nagyakag na kumain dito" Alvin said.
Samantha smirked. "Manlangit? Mukhang hindi bagay sa kanya ang last name na Manlangit," she said in a low voice.
"Aba! At sumasagot ka pa?!" Mataray na sabi ng babae. "Dapat nga nag-so-sorry ka sa 'kin dahil sa ginawa mo!" Halata sa babae na mas matanda ito kaysa kay Sarah dahil mas matangkad at mas malaki ang katawan nito kumpara kay Sarah.
"Hindi ako mag-so-sorry, kasalanan mo naman 'yan eh. Ikaw 'tong may hawak na pagkain dapat ikaw ang mas nag-iingat."
"You!" Ibinuhos ng babae ang tubig na hawak niya kay Sarah at tumama ito sa damit niya. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na ito naiwasan ni Sarah.
Tatayo sana si Alvin para pigilan ang dalawa pero pinigilan siya ni Felix sa gagawin nito. "Let them be, it's not our business," walang nagawa si Alvin kundi manuod na lamang.
Nagdilim naman ang paningin ni Sarah at kinuha ang orange juice na nasa malapit na table at ibinuhos ito sa mukha ng babae.
Parehas na basang-basa ang dalawang babae ang kaibahan lang ay mas kawawa ang itsyura ng kaaway ni Sarah dahil naghalo na ang dalawang kulay sa damit nito at kulay orange narin ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...