chapter 23

65 5 0
                                        

Jacob

Sa mga sumunod na araw naging maayos na ang pakikitungo ni Felix kay Sarah pero gaya ng dati ay medyo mailap pa rin ito kay Sarah pero kahit paano ay nag-improve na ito. Kumikibo na siya kay Sarah, tumutungo at sumasagot na nang maiikling mga salita.

Sangayon ay napagdesisyunan ni Samantha na kumain ang grupo sa canteen.

"Bakit dito tayo kumakain sa halip na sa Tomj?" Alvin asked.

"Tomj? Ano 'yon?" Tanong naman ni Sarah kay Alvin.

"Yon ang tambayan ng grupo, sa banda likod ng school 'yong pinagtambayan natin ng nakaraan"

"Ahh."

"Sam is fortunate, kasi nakita nya ang space na 'yon, walang estudyante o teacher ang pumupunta do'n, kami lang ang nakakaalam ng luagar na 'yon," muling sagot ni Alvin.

"Ngayon alam mo na, 'yong lugar na 'yon atin 'yon, kapag mayro'ng magtangkang magtambay do'n na ibang tao, huh! Matitikman nila ang kamao ko," Samantha said with the sound of determination.

"Talaga ba? Kahit teacher?" Alvin said.

"Well syempre hindi, ayokong ma-guidance ulit noh!"

Alvin smirked. " Hanggang salita ka lang naman," bulong nito.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, bakit ba tayo nandito sa canteen at wala sa Tomj?"

"Hindi eh, parang hindi 'yon ang sinabi mo ang ikli lang no'n eh." Pagkatapos sabihin ito ni Sam ay kanyang sinipa sa ilalim ng mesa si Alvin.

"Ah!" Namilipit si Alvin sa sakit. Napansin naman nito si Sam na pangiti-ngiti.

"Ikaw!" Alvin glared angrily at Samantha.

"Bakit, may angal ka?"

Ngumisi naman si Alvin kay Samantha at kanya itong sinipa sa paa.

"Ah!" Napasapo naman si Samantha sa kanyang paa at galit na dinuro si Alvin. "Ikaw! Tumatapang ka na ngayon ah!" Galit na tumayo si Sam sa kanyang kinauupuan at kinuha ang kutsara na nasa lamesa at hinagis ito kay Alvin.

Naiwasan naman ito ni Alvin at ang kutsara ay tumama sa sahig at dahil sa ingay na sanhi nito ay napunta ang atensyon ng mga tao sa paligid sa kanila.

Wala namang pakielam si Samantha kung pagtinginan man sila ng mga tao. At kanya namang dinampot ang tinidor. "Patay ka sa'kin!" Handa na nya itong ihagis.

"Tama na, para kayong mga bata!" Felix yelled.

Napatigil naman si Sam sa kanyang gagawin at pabalyang umupo. "Yan kasing si Mr. Genius!"

"Bakit ako? Ikaw diyang nagsimula."

"Kakasabi ko lang, hindi ba kayo titigil." Muling pag-aawat ni Felix.

Samantha pouted, sige na nga shut up na 'ko nagagalit na si hubby.

Natahimik na ang mga ito at nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman makakin si Samantha dahil sa hinagis nya ang kutsara niya kanina. Samantha decided to go to the counter, but someone had already placed a spoon on her plate. "Here, you can use mine." Napatingin naman si Samantha sa nagsalita mula sa kaniyang likod.

It's Jacob, ngumiti ito na nakapangdagdag pa ng kagwapuhan ng binata. "Don't worry, hindi ko pa 'yan nagagamit," pagkasabi nito ay tumalikod na ito at umupo sa tabing table nila.

"Thank you," dahil sa magkatabi lang ang table nila ay malinaw itong narinig ni Jacob.

He simply smiled at her.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon