chapter 13

100 5 0
                                    

New Student

"Good morning."

"Good morning ma'am," sabay-sabay na wika ng buong klase.

"May bago kayong kaklase." Napatingin naman ang lahat sa guro maliban kay Sam at Felix na hindi intirisado.

"Ma'am babae?" Tanong ng kaklase nilang lalaki.

"No."

"Nye!"

Nagtawanan ang buong klase sa reaction nito. Hindi na lamang pinansin ng guro ang kaguluhan at suminyas na sa tao na nasa pinto. "Iho pumasok ka na rito. Magpakilala ka sa kanila."

Pumasok naman ang isang matangkad na lalaki at tumayo sa unahan.

"A-ang pogi!" Bulungan ng mga babae.

"Oh chinitooo," pakantang sabi naman ng mga lalaki.

"Mukha siyang koreano."

"Hi" he said.

Hindi maiwasan ng mga estudyante na mapangiti at ilaan ang buo nilang atensyon sa lalaki sa unahan. Dahil hindi maitatanggi na appealing ito, may ilan pa sa mga estudyante na hindi mapigilan ang pagtili.

Nagulat naman si Samantha sa ingay ng mga babae. Tiningnan nya ang kanyang drawing na may guhit na. "Arg! Pumangit na tuloy!" Kanya itong pinunit sa sketch pad at itinapon sa may bintana. Masama nyang tiningnan ang dahilan kung bakit nagsigawan ang mga babae.

Samantha gaped, siya, siya? Bakit siya nandito?

Brown and curly hair, slanted eyes and porcelain skin. "Jacob," Samantha said in a low voice but it's enough for Felix to hear.

Napatingin naman si Felix kay Samantha na nakaharap sa unahan sinundan nya ang tinitingnan nito  at saka lang napansin ni Felix ang lalaki sa unahan, na nakatingin din sa direksyon nila.

Pero alam ni Felix na hindi sa kanya nakatingin ang lalaki. He subconsciously gripped the ball pen harder. Tandang-tanda nya pa kung sino ang lalaking 'to.

"It's not like what you think, me and Sam just met by accident, at ahmm napagdesisyonan ko na ihatid na rin siya rito."

Pero hindi pa rin kumbinsido si Felix sa sinabi nito lalo na ngayon nya lang ito nakilala.

Napansin naman ito ng lalaki kaya nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag. "Don't worry wala namang nangyari sa kanyang masama."

"Makakaalis ka na." Felix said firmly.

"Ok po, pasabi na lang po sa kapatid n'yo na sorry."

Nang marinig ito ni Felix ay agad na nag-init ang kanyang ulo. "Hindi nya ko kapatid!" at padabog na sinara ang pinto.

"I'm Jacob Anderson."

"Ang swerte natin na BS psych A 01 tayo, nandito na ang campus star tapos mayro'n pang isang guwapong lalaki na dumating," sabi ng isa sa mga estudyante na sinangayunan naman ng iba.

"Doon ka na lang umupo sa likod ni Samantha Quinn," wika ni Ms. Jen.

Nagtaka naman si Sam dahil may nakaupo na doon.

"Lyka doon ka na sa dulo," wika muli ng kanilang guro at lumipat naman si Lyka sa ibang upuan.

Mas lalong napakunot ang noo ni Samantha. 'Di ba sabi ni ma'am lalaki't babae ang arrangement, eh bakit sa likod ko ay puro lalaki ang nakaupo?

"Thank you ma'am," Jacob said. Naglakad na siya papunta sa kanyang uupuan bago siya makarating dito huminto muna siya sa side ng upuan ni Samantha. "Hi Sam, nice to see you again."

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon