chapter 25

64 4 0
                                        

In

Kasalukuyan na sila ngayong naka sakay sa kulay black na coupe car. "Saan ang bahay mo?" tanong ni Jacob

"Hindi muna ako uuwi."

Nagtataka namang tiningnan ni Jacob si Sarah at muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Saan tayo?"

"Sa studio, mag-drive ka na lang diyan. Ituturo ko na lang sayo kung saan "

Inabot din sila ng 15 minutes bago sila makapunta sa studio. "Good afternoon ma'am," sabi ng babaeng receptionist.

Kinausap naman ito ni Sarah para sa oras na itatagal nila doon. Habang kinakausap ni Sarah ang receptionist si Jacob naman ay naisipan nang pumasok sa studio. Sa studio mayron ditong dalawang pintuan na bumungad sa kanya. Sa bandang kanan na pintuan ay ang dance studio at sa kaliwa naman ay ang music studio.

"Wow, cool, hindi lang para sa pagsayaw ang studio na 'to mayro'n din para sa music." Hindi naman natiis ni Jacob na titigan lang ang pintuan, kaya dahan-dahan nya itong binuksan. Bumungad sa kanya ang recording area, violin, drums, giuitar at iba't ibang musical instrument. Ang lugar na ito ay isang pantasya para sa mga musicians. "Wow," hindi maiwasang mamangha ni Jacob sa kanyang nakikita.

"Not in there, Jacob. Sa dance studio lang tayo." Bigla na lamang siyang nakarinig ng malumanay na boses sa kanyang likod.

"Sarah, bawal ba rito?"

"Ang dance studio lang ang binayaran ko," pagkasabi nito ay pumasok na si Sarah ang loob at isinara naman ni Jacob ang pinto ng music studio nang may pagkadismaya sa kanyang mukha at sumunod na lamang kay Sarah.

Pagpasok naman nya doon ay nadatnan nya si Sarah na sumasayaw sa harap ng malaking salamin, naka-shirt at skirt lang ito na hanggang tuhod ang haba, pero pagdating naman sa paanan, ay may suot itong pointe shoes. May napansin naman si Jacob na parang may kulang. "You're dancing without music?"

"Nakalimutan kong mag-download."

"I'll help you." Pagkasabi nito ay lumabas na siya sa room.

Hindi naman ito inintindi ni Sarah dahil okay lang sa kanya ang sumayaw na walang tugtog dahil ang simoy ng hangin, ang tunog ng mga bagay na nasa kanyang paligid ang nagsisilbing musika para sa kanyang pagsayaw.

Habang dinadamdam ni Sarah ang ang pagsayaw ay mayro'n siyang narinig na napaka gandang tunog, na hindi nya maiwasang ipikit ang kanyang mga mata at igalaw ang kanyang katawan sa sabay ng ritmo.

Sa pagmulat ng kanyang mata ay kanyang nasilayan ang napaka daming tao na nanunuod sa kanya. Sarah paused, pinagmasdan nya ang kanyang sarili, wala na ang suot nito kanina, napaltan ito ng puting dress na karaniwang sinusuot ng mga ballerina. Kanya namang pinagmasdan ang kanyang paligid, kasalukuyan siyang nakatayo sa isang napakalawak na tanghalan, kung saan ay madaming mga mata ang nakatingin sa kaniya.

Sumagi naman ang mga mata ni Sarah sa front seat, kung saan naka upo ang kanyang magulang, ang kanilang mga mata ay nababalot ng dismaya. Sarah stood motionless on stage, her nerves, anxiety, and fear having won. "I'm not going to be able to do it."

Muli nyang narinig ang ritmo, ang tunog ng musika, na nagbigay sa kanya ng pagasa, binaliwala ni Sarah ang mapanghusgang mga mata at siya'y pumikit at sumayaw nang parang isang malayang angel.

Hanggang matapos ang tunog ay nakarinig siya ng maraming palakpak. 1000 hanggang naging 100 hanggang naging sampo at hanggang naging isa ang pumapalakpak.

Sa pagmulat ng kanyang mata ay nakita nya si Jacob sa reflection ng salamin na may violin sa kanyang paa at pumapalakpak para sa kanya. "Wow wala paring kupas"

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon