Witness From The Sky
"Sam... Your eyes?" Nang magtama ang kanilang mata ay agad na napansin ni Felix ang pamumula ng mga mata at ilong ni Samantha.
Samantha averted her gaze from him. "Ito?" Dahil ito sa'yo, "na nonood kasi ako ng movie, hindi ko akalain na nakakaiyak pala 'yon." Muli nyang ibinalik ang tingin kay Felix, "bakit gising ka pa?"
"I can't sleep," he admitted honestly.
I can't sleep, he always said when something was bothering him, at sa'kin lagi siyang tumatakbo, sa'kin siya lagi humihingi ng tulong, eh pa'no naman ako? Nasasaktan ako dahil sa'yo, kanino ako dapat tumakbo?
Hinawakan ni Samantha ang wrist ni Felix at kanyang hinila ito, naglakad sila papunta sa likod ng kanilang bahay at lumusot sila sa butas, tumambad sa kanila ang kanilang tambayan. Muling hinila ni Samantha si Felix at tumakbo sila papalapit sa playground, kanilang inakyat ang hagdan at nang marating na nila ang taas ay saka na nya binitawan si Felix.
Kanyang nilapitan ang isang kahon na nakalagay sa sulok, napupuno na ito ng gabok halatang matagal na ito rito at hindi pa naiibo, binuksan ni Samantha ang kahon na napupuno ng iba't ibang klase ng laruan pero wala ritong makikitang kahit anong pangbabaeng laruan.
Samantha gave a bitter smile. "Akalain mo, nandito pa rin ito hanggang ngayon," hilig nilang laruin ang mga laruang ito noong mga bata pa sila.
Hindi na pinagkaisipan pa ni Sam ang mga ito at kinuha na lamang ang isang bola, saka muling isinara ang kahon. Tumayo na siya at hinagis ang bola kay Felix, "laro tayo."
Nang makababa sila binuksan ni Felix ang floor lamp na siyang nagsilbing liwanag sa paligid.
Nakaposisyon na ang dalawa, "kapag naka-shoot ako, may itatanong ako sa'yo at gusto ko na sagutin mo ng tapat ang itatanong ko sa'yo," Samantha took her words very seriously.
Sa tuwing naglalaro tayong dalawa nang basketball, ni kailan man ay hindi ako makapuntos pero ngayon sisiguraduhin ko na maii-shoot ko ang bola sa ring!
"O sige," he stated calmly. Ipinasa na ni Felix ang bola kay Samantha, pagkahawak ni Sam sa bola ay agad na tumakbo si siya papunta sa ring pero dahil mas mabilis si Felix sa kanya ay naharangan siya kaagad nito.
Nahihirapan si Sam na humanap ng tiyempo para makaalis siya sa pagkakaharang kay Felix pero sa isang iglap lang ay hindi na nya hawak ang bola, at nakita na lamang nya ito na hawak ni Felix at hinagis sa ring. "Two points" mayabang na sabi ni Felix.
Sa susunod na round ay ganon ulit ang nangyari muli naagaw mula kay Sam ang bola at nakapuntos uli, hanggang sa meron ng 10 points si Felix at wala pa ring puntos ang dalaga.
Pareho ng tadtad ng pawis ang dalawa pero walang balak sumuko ang sino man sa kanila.
Hindi ako magpapatalo! Sigaw ni Samantha sa kanyang isipan.
Muli siyang sumugod papunta sa ring na siyang hinabol ni Felix kung saan papunta ang katawan ni Sam, pero biglang nag-iba ang direksyon ng katawan ni Samantha na hindi inaasahan ni Felix, kaya saglit na nakawala si Samantha sa depensa nito, at hindi na inaksaya ni Samantha ang pagkakataon na ito at kanyang hinagis ang bola.
Napakabilis ng pangyayari at nakarinig na lamang sila ng ingay mula sa bakal.
Nagawa ko?
Nagawa ko!
Napaupo si Samantha sa damuhan at gano'n din si Felix, hingal na hingal ang dalawa. "Sawakas naka-shoot ka na."
Samantha grins, "dahil diyan, kailangan mong sagutin ang tanong ko."
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
Roman d'amourSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...