True Hues
-1pm-
Dahan-dahang tumayo si Samantha at kanyang kinuha ang cardboard mula sa bedside table. Nang makababa na siya ng stairs, napansin nya na matahimik ang paligid, hindi na nya pinagka-isipan pa ito at nagpatuloy na sa paglalakad, dumaan muna siya sa kitchen hanggang sa makarating na siya sa likod ng bahay.
Nilapitan ni Samantha ang trash can na nasa likod ng kanilang bahay, kanya na sanang ilalagay ang cardboard dito pero napatigil siya. May parte sa kanya na nag-aalinlangan na itapon ito pero nang makita ni Samantha ang madumi ng itsura nito ay kanya nang binitawan ang cardboard.
Pumasok na muli si Samantha sa loob at nang nasa kusina pa lamang siya ay bigla siyang napatago dahil nakarinig siya ng mga yapak at sa tunog nito ay mukhang hindi lang ito nanggagaling sa isang tao at mukhang nagmamadali sila.
"JF!" Napatunghay si Samantha nang kanyang marinig ang boses.
Tita Emma?
Nakarinig na lamang si Samantha nang pagbukas ng pinto.
Felix pushed the lady away. "Makakaalis ka na," malamig na pagkakasabi ni Felix.
"JF, please."
"Hindi ka na namin kailangan, oo, salamat sa ginawa mo kahapon, pero hindi porket pinapasok na kita sa bahay na 'to, makakapasok ka na rin sa buhay ko. Umalis ka na, bumalik ka na sa pinanggalingan mo, sa manila, sa Australia, sa Mars, wala na 'kong pakealam basta umalis ka na at huwag ka nang babalik pa kahit kailan!"
With Felix's violent reaction, the front door slammed with a loud 'bang.'
Napatalon si Samantha sa kanyang puwesto, tinakpan ni Samantha ang kanyang bibig para hindi siya makasigaw.
Mayamaya rin ay kanyang narinig ang mga yapak ni Felix na umakyat ng hagdan at unti-unti nang nawawala ang mga yapak nito.
Umalis na si Samantha sa kanyang tinataguan at pumunta sa living room, napatingin siya sa stairs at sa front door. "Mukhang hindi ko pa maiibigay ang letter ni tita Emma kay JF, hindi pa ngayon ang tamang oras."
-The next day-
Maagang pumasok si Felix sa school at si Samantha naman ay nasa bahay pa rin para siya ay magpagaling.
Kasalukuyan ngayong nasa gymnasium si Felix at tahimik na nakaupo sa bleacher at nasa bandang dulo ang kanyang puwesto kung saan ay hindi ito nasisilayan ng liwanag.
Mayamaya rin ay may nakikita na siyang isang anino, habang sa lumalapit ang aninong ito ay mas nagiging mas malinaw ang feature ng dumating.
Sarah.
Ipinatong ni Sarah ang kanyang phone sa gilid at nag-play ng music naglakad na siya papunta sa gitna ng gym, ipinikit ni Sarah ang kanyang mga mata at dinama ang musika.
Nang 'tinaas na nya ang kanyang dalawang kamay ay biglang tumigil ang music. Napatingin si Sarah sa puwesto kung saan nya pinatong ang phone. At mula doon ay kanyang nasilayan si Felix na ngayon ay may hawak ng phone, at sa isang tingin pa lang ni Sarah dito ay alam na nya na sa kanya ito.
Nanlilisik ang mga mata ni Felix habang nakatingin ito kay Sarah, itinaas ni Felix ang kanang kamay na may hawak na cellphone. Unti-unti nyang inaalis ang kanyang mga daliri sa phone, unang inalis ni Felix ang kanyang pinky finger sa pagkakahawak sa phone, sunod na inalis ni Felix ay ang kanyang ring finger at sumunod din dito ang middle finger.
Tila alam na ni Sarah ang binabalak ni Felix kaya dali-dali siyang tumakbo papalapit kay Felix. "Felix, no!"
Bago pa makalapit si Sarah kay Felix ay binitawan na ito ni Felix.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...