Seatmates
Sa sumunod na araw ang dalawa ay naghihintay sa labas ng faculty dahil wala pa ang mga guro.
"Tomboy, ano ba 'tong pinaplano mo at ang aga-aga natin sa school? 4:30 am pa lang oh, halos tayo pa lang dalawa ang nandito sa school." pag-aalboroto ni Felix.
Samantha smirked. "Ganito kasi, plano ko na kumbinsihin si ma'am na ilipat si Alvin sa tabi natin. Para maging ka-close natin siya."
Natahimik ng ilang sandali si Felix bago siya nakasagot. "Paano mo sya kukumbinsihin?"
"Kunwari may nang b-bully sa kanya, at ikaw tutulungan mo rin akong kumbinsihin si ma'am."
Tumango na lamang si Felix dito. "Sige, madali lang 'to," walang ganang wika nito.
In 30 minutes, unti-unti ng nagdadatingan ang mga guro pero wala pa rin si prof. Jen. Nagtataka naman ang mga guro na dumadating kung bakit sila nandoon na parang mga guwardiya. "Good morning po," they said.
"Morning," the teacher replied.
Pagkapasok ng guro ay hindi maiwasan ni Felix na mainip. "Ang tagal naman ni prof. Jen. Sabi ko naman sa 'yo, dapat mamaya na lang tayong five pumunta rito, napaaga tuloy ang gising ko," reklamo niya.
"Maghintay ka na lang diyan, dadating din 'yon," Samantha said calmly.
"Kapag wala pa si maam ng 5:30 pupunta na 'ko sa room"
"Wow, napaka suportive mo namang kaibigan," she said sarcastically. "Kung gano'n pala, hindi na lang kita isasama sa grupo na gagawin ko."
Felix startled pero nawala rin ito at kalmadong sinabi, "bakit? Kaya mo ba na wala ako sa tabi mo?"
"Oo naman," she lied.
Of caurse I can't kapag nawala ka mawawalang saysay lang 'tong pagbabalat kayo ko saka ikaw ang buhay ko, kapag wala ka, wala na ring kulay tong buhay ko.
"Ang daming tao sa paligid na puweding maging kaibigan, kayang-kaya kitang palitan noh," pagpapatuloy ni Samantha.
Felix's eyes dimmed as he heard what she say. "Sa tingin mo papayag ako na palitan mo?" He said coldly.
Samantha didn't sensed the seriousness of Felix "Bakit hindi? 'Di ba ayaw mo namang tumulong?"
Lumapit si Felix sa kanya, napaurong naman si Samantha sa biglaang paglapit nito. "Hindi ibig sabihin no'n na ayaw ko ng sumali sa grupo at hindi mo 'ko puweding palitan ng kung sino-sino lang." Lumapit muli siya at umurong muli si Samantha hanggang sa naramdaman na ni Samantha ang pader sa kanyang likod.
'Tu-Thump'
'Tu-Thump'
'Tu-Thump'
Halos bumilis ang pagtibok ng puso ni Samantha na sa palagay nya na sa konting segundo na lang ay feeling nya ay sasabog na ito ano mang oras.
Ba--ba-bakit siya ganan kung makatingin sa akin parang kakainin nya ako ng buhay!
"Anong... ginagawa n'yong dalawa?" May narinig naman silang boses kaya agad na tinulak ni Samantha si Felix at inayos ang kanyang pagkakatayo.
Samantha sighed in relief nang makita nya ang kanilang adviser, unti-unti na ring bumalik sa normal ang pagtibok ng puso ni Samantha. "Good morning maam Jen."
Tumingin naman ang guro nang may pang o-obserba sa dalawa. "Kayong dalawa, kung may relasyon man kayo, huwag n'yo namang ipaglantaran at tama ba 'yan? Nandito kayo sa labas ng faculty room, Mahiya nga kayo! Napaka-pasaway n'yo talagang dalawa," sabi niya at pumasok na sa faculty room.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomantikSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...