Her Arrival
"I won't, I promise."
She gave a cheerful smile. "Ikaw lang ang sinabihan ko nito ha, kapag may ibang nakaalam o kapag nalaman nya patay ka sa'kin."
Jacob chuckled. "Hindi ka naman pala tomboy."
"Wala naman akong sinasabing tomboy ako, kayo lang naman ang nag-iisip no'n."
"Pero hindi ako kasama sa mga 'yon," he was staring at her intently. "Simula pa lang na nagkita tayo tinuring na kitang prinsesa."
"Oo nga no, alam mo ba no'ng una nating pagkikita naisip ko na, na oa ka masyado."
"Huh? Bakit naman?"
"Pa'no, gusto mo kaagad akong idala sa hospital, sabi ko naman sa'yo ayos lang ako." Napakamot na lang si Jacob sa ulo nang maalala ang pangyayaring ito. "Pero sigurado ako na suwerte ang magiging girlfriend mo, kase for sure ituturin mo siyang prinsesa."
Bakit hindi na lang ikaw sa isip-isip ni Jacob.
Inilayo na ni Samantha ang tingin kay Jacob at ginala ang kanyang tingin sa paligid, isa lang ang masasabi nya.
Hala!
Napatingin siya sa kanyang inuupuan, isa itong kama, napatayo siya bigla.
"Kaninong bedroom ito?" tanong nya kay Jacob.
"Sa'kin."
Agad na nanlaki ang mata ni Samantha, hindi na nya kayang tumingin pa kay Jacob at yumuko na lamang dahil sa kahihiyan. "Sorry, sorry hindi ko alam, sorry hindi ko sinasadya."
Sa lahat pa talaga ng mapapasukan ko sa kuwarto pa talaga ni Jacob! Argg! nakakahiya ka Sam!
Narinig na lamang ni Sam ang mahinang pagtawa ni Jacob kaya napatunghay siya.
"Ok lang naman, wala naman akong tinatago rito."
"Kahit na, private place mo pa rin ito, hindi ko dapat ito pinasok. Tara na sa music room, baka ano pang isipin nila sa'tin."
"Mauna ka na, lalagyan ko lang ng tono ito rito, mas madali kasing mag-isip kapag tahimik ang lugar."
"Ok, gandahan mo ha," saka na lumabas si Samantha at sinara ang pinto.
Pagkasara na pagkasara ng pinto ay nawala ang maaliwalas na ngiti na nakapaskil sa labi ni Jacob, unti-unting dumiin ang hawak nito sa papel, hanggang sa nagusot na ito.
Pagkabalik ni Samantha sa music room dumiretso siya agad sa puwesto ni Felix at pinanood ito sa pag-gigitara, ginamit nya ang pagkakataon na ito na mag-drawing.
Mayamaya rin ay dumating na sa music room si Jacob, itinuro na nito kay Samantha kung papaano ang magigingtono ng kanta. At itinuro na rin sa iba kung paano nila tutugtugin ang kanilang instrument. Ang buong grupo ay naging pursigudo sa kanilang mga ginagawa.
The following day, in the Purposive Communication class. Nababalot ng ingay ang buong room, may nagda-daldalan, may nagce-cellphone, may nags-selfie at natutulog ang nadatnan ni miss Jen sa kanyang pagdating. "Class, attention."
Nabaling na sa kanya ang atensyon ng mga estudyante at natigil na ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa at nagising na rin si Samantha na natutulog kanina.
"I apologize for being late, may biglaan kasing meeting, sigurado ako na matutuwa kayo sa balitang ito, mawawala ako ng two weeks."
"Yehey!" Agad na nagsigawan ang mga estudyante.
"Ang saya n'yo naman! Pero sa pagbalik ko kailangan n'yong magpasa sa'kin ng Vlog na may minimum na 10 minutes."
"Ano ba 'yan..." pagrereklamo ng ilan.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomansaSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...