prologue

603 13 1
                                    

...

"Sam bilisan mo! Baka ma-late tayo" sigaw ng kaibigan ko sa akin.

"Oo na, ito na nga eh. Saka hoy! Ang aga pa ha. Ang excited mo masyado" halos isang oras pa bago magsimula ang klase.

"Mas mabuti nang maaga at ngayon lang tayo maghahanap ng room natin" naglakad na siya palayo. Naglalakad lamang kami kasi malapit lang naman dito ang iskuwelahan.

"Hoy! Hintay!"

"Bilisan mo kase tomboy"

"Hindi ako tomboy"

Sabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy.

Kase kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko mula pa nang bata ako.

Tanda ko pa nga noon, 'yung bata noon na mahilig sa barbie, sa dress, sa sandals  at mga cute na sapatos at lalo na sa mga bagay na kulay pink.

Sobra kong saya kasi may bago kaming kapit-bahay tapos sabi ni mama ka-edad ko lang daw 'yung anak ng kapit-bahay namin. "Mama, mama girl ba o boy yung kapit-bahay natin?"

Napangiti naman sa 'kin si mama. "It's a boy baby"

"Yehey! Magkakaroon na ako ng friend" binuhat ako ni mama. Gusto ko na siyang makita! "Mama gusto kong pumunta sa kanila"

"Sure baby pupunta tayo mamaya i-w-welcome natin sila pero kakain muna tayo ha"

"Ok po mama." Dali-dali kong tinapos ang pagkain ko kasi gusto ko na talaga makita 'yung kapitbahay namin, ngayon lang kami nagkaroon ng kapit-bahay na ka-edad ko, puro na lang kasi mga dalaga at binata ang nandito sa 'min, gusto ko namang magkaroon ng kalaro na kapantay ko lang. "Mama tara na"

"Ito na oh, excited si baby ah." humagikgik ako kasi kiniliti ako ni mama.

"Honey labas lang kami" sigaw ni mama kay papa.

"Sige!"

Pagpasok namin nakita ko agad 'yung bata sa kanilang upuan. Satingin ko sya 'yung tinutukoy ni mama dahil magkasing laki lang kami, lumapit agad ako sa kanya. "Hi, ako si Samantha Quinn" hindi niya 'ko pinapansin siguro dahil busy siya sa paglaro ng kanyang robot. "Laro tayo" pinakita ko sa kanya ang barbie ko. " ito si barbie, hi robot."

Nang napatingin siya sa 'kin hindi ko alam pero bigla na lang tumibok ang puso ko nang napakalas.

"Lumayo ka nga sa 'kin!" Nagulat ako kasi bigla na lang nyang nilayo ang robot nya sa 'kin tapos ang sama pa ng tingin nya!

"Naku, pasensya ka na sa anak ko ganyan lang talaga siya sa babae, nahihiya siguro," sabi ng matandang lalaki, siguro ito ang ama nya. Umiwas na lang ako ng tingin sa bata, nawalan na tuloy ako ng ganang maglaro bakit kasi gano'n ang pagtrato nya sa 'kin gusto ko lang namang makipagkaibigan. Pero hindi ko alam, kahit na masungit siya, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya.

"Sam! Ang bagal mong maglakad, tara na"

Ay, oo nga pala, kung saan-saan na pumapadpad ang isip ko binilisan ko na ang paglalakad nakakahiya naman sa isa diyan. Nandito na kami sa school at ang laki pala ng school na 'to mahihirapan kaming maghanap nyan. Hanggang napunta na kami sa third floor dito lang namin nakita ang pangalan namin.

"Tingnan mo Sam, magkaklase tayo"

"Ayos 'yan!" sabi ko, at dali-dali na kaming pumasok, do'n kami sa fourth row umupo para malayo sa unahan. Wala pa gaanong tao kase nga ang aga namin tiningnan ko ang katabi ko nakasilip sya sa bintana, hindi ko naman maiwasan ang titigan sya.

Simula no'ng una naming pagkikita hindi ko na siya tinantanan, kaya nga lang nakakainis siyang kalaro! "Bakit mo 'ko laging iniiwasan? Gusto ko lang naman makipaglaro ah?" Lagi nya akong pinagtatabuyan paglumalapit ako sa kanya. Mga isang linggo na sila dito pero gano'n pa rin siya sa 'kin.

"Kase nga ayoko sa 'yo!"

"Bat ba ayaw mo sa 'kin? Maganda naman ako ah, tapos mabait naman ako. Hindi naman kita aawayin"

"Basta ayoko sa 'yo!"

"Bakit nga?"

"Kase babae ka!"

At doon nagsimula ang pagbabago. Dahil sa gusto kong mapalapit sa kanya binago ko ang sarili ko.

Ang dati kong hawak na manika ay gitara at bola na ang hawak.

Ang dating mahilig sa dress ay pantalon, shorts at panlalaking damit ang sinusuot.

Ang dating buhok na nakalugay ay lagi ng nakapuyod.

Ang dating mahilig sa sandals at cute na sapatos ay rubbershoes na ang hilig.

Ang dating mahilig sa pink ngayon ay ina-ayawan at kinadidirian na ito.

At hindi ko naman ina-asahan na dahil sa pagbabago ko ay mapapalapit na ako sa taong unang nagpatibok ng puso ko.

Na ngayon ay nasa TABI ko na, ang lapit-lapit na nya sakin pero bakit parang ang hirap pa ring abutin.

Unti-unti ng dumadami ang taong dumadating ang iba nga ay napapatingin pa sa puwesto namin.

"Pati ba naman dito Sam pagguguluhan ka pa rin" nginisihan ko lang sya. Kasi sa dati naming pinasukan ang daming babae na naghahabol sa akin pati nga mga lalaki nababakla na sa 'kin.

"Guwapo eh, anong magagawa mo? buti puwede ditong naka-ordinary" ayoko ko ngang magpalda pero tuwing friday naman ay naka-PE uniform.

Maya-maya ay dumating na ang teacher namin dahil bago lang kami dito kailangan naming isa-isang magpakilala. "Hi I'm Samantha Quinn,"

"Yon! ang ganda"

"Hi miss"

Hiyawan ng mga lalaki.

"Sorry boys pero hindi tayo talo," Nakarinig ako ng panghihinayang na parang alam na nila ang ibig kong sabihin.

"Sayang naman"

"You can call me Sam." sabay kindat sa mga babae at nagtilian naman sila.

"Ok, Sam kung ihahalintulad mo ang iyong sarili sa isang bagay ano ito?" Tanong ni ma'am.

"Kung ihahalintulad ko ang aking sarili sa isang bagay ito ay ang gitara, dahil ang gitara lagi 'tong andiyan pagmalungkot ka o nag-iisa ka. Tugtogin mo lang 'to mapapagaan na nito ang loob mo, parang ako handa akong maging kaibigan mo na palaging na sa tabi mo kahit na nasasaktan na 'ko kung ikakasaya mo naman ito ay mas gugustohin ko na lang ang masaktan"

"Thank you miss Quinn, parang may pinapatamaan ka ahh"

Meron po meron at sobrang manhid nya.

Siya na ang susunod na magpapakilala. Habang siya ay nasa unahan hindi ko maiwasan ang humanga sa kanya. Hanggang ngayon wala paring kupas ang kaguwapohan nya.

Siguro nga hanggang dito na lang ako, hanggang tingin na lang sa kanya.

Sa kanya na bestfriend ko.

"My name is John Felix Paxton"

"My name is John Felix Paxton"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon