Dedicated to my 100th follower :) thanks XD
~~~~~~~
(Kyla’s PoV)
Nagsisisi na talaga ako kung bakit nagpatulong pa ako kay tita kahapon. Kasi naman, ang sakit ng mga binti at paa ko ngayon, ni hindi ko nga alam kung makakalakad pa ba ako? Lintik naman kasi ang mga killer heels ni tita! Pamatay talaga (-_-)
Kaya ito, 8 am na at nakahilata pa din ako T3T hindi ko alam kung pagod pa ako o tinatamad lang?
Yung dalawa naman ay kanina pa umalis at marami pa daw aasikasuhin sa school.
Napilitan na akong bumangon at tumungo sa banyo para maligo. Hay, buhay ko nga naman T3T
ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ
Matapos ang halos isang oras ay natapos na din ako sa pagbibihis. Ano naman kaya ang gagawin ko buong araw dito?Wala naman akong libro nab ago na pweding basahin. Mabobored lang ako dito :3
Napagpasyahan ko namang mag-open ng MGA ACCOUNTS ko, yeah mga dahil ang dami kong account. Halos yata lahat ng social network ay meron akong account. Syempre facebook ang inuna ko, kasunod na nun ang twitter, tumblr, pinterest etc etc!
Nagulat naman daw ako dun sa sandamakmak na friend request ko. Seriously?Bakit ganito kadami ang mga ‘to? Noon naman kahit ilang buwan akong hindi mag-open nito ay mabibilang pa ang mga nag-aadd sakin pero ngayon halos isangbuwan pa lang akong hindi nakaka-online pero ito, at sobrang sabog not just my friend request but also the messages ang notification. Nung tingnan ko yung wall ko, ayun napuno ng mga post ng mga hindi ko naman kilala.
*Hi Kyla J*
*Ang ganda mo talaga girl. Sana maging mag-kaibigan tayo*
*Hi Kyla, pwedi makipagkilala?*
*hello beautiful Kyle*wink**
Ilan lang yan ang mga nakapost sa wall ko. Grabe! Pero dito talaga ako natawa
*Kyla, diba single ka? Pwede bang magligaw?*hindi ako diyan exactly natawa, dun sa comment ni Labs, Kurt at Sean!hahah ! kasi naman ito yung mga comment nila
“Eh ano kung single siya? Hindi ka pweding manligaw diyan! Dadaan ka muna sa limang kabaong naming bago mangyari yan!” – Sean
“Kung gusto mo bang humaba nag buhay mo. Huwag na huwag kang magpapakita saking ugok ka!”–Ryan
“Sige, punta ka dito sa bahay namin at nang mapugot ko na yang ulo mo!”hahah! Da best para sakin itong comment ng tito! Pugot ulo talaga? Hahah
Habang naaliw na ako sa kaka-browse sa fb ay may bigla namang may nag-door bell. Bisita ng ganito kaaga?
Dahil nasa sala lang naman ako ay mabilis ko namang nilapitan ang pinto at binuksan para makita lang ang nakapamulsang biscuit na nakasandal sa mamahaling kotse niya.
“Oh, napadpad ka?” sabi ko habang papalapit ng gate para lapitan siya
”Get ready, may practice tayo!”ano ba naman ang lalaking ito! Bigla na lang susulpot para sabihing may practice? Bakit hindi niya na lang ako tinext atkaya ko naman pumunta sa bahay nina Sir?
“Mauna ka na!Kina Sir pa din ba? Kaya ko ng pumunta dun.”
“Bilisan mo na!” hindi pa din siya natinag kaya ako na ang sumuko at pumasok na para magpalit ng damit. Hay! Practice na naman! Ayoko ng maalala yung nangyari nung una naming practice (-_-)
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!