56: Having Him

34 5 1
                                    

It's already May and it means enrollment na namin for second year.

Bakit parang ang bilis lang ng panahon? Parang kahapon lang ay summer pa, ngayon magpapasukan na naman =_=
Well ganyan nga talaga siguro kapag masaya ka. Hindi mo namamalayan ang oras.

~~
I'm currently waiting for Kyle, kasi sabay daw kaming pupunta sa school.

*ding dong*

Speaking of my handsome boyfriend ^____^ tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago bumaba at pagbuksan siya. Pero nagawa na pala ni tita =_=

Kasi naman naka-upo na siya at kausap si Tita. Mukhang pinagsasabihan na naman si Kyla na mag-ingat daw kami. Hayst, si tita talaga always protective. Well, hayaan na lang siya. Concern lang yan.

"Good morning Tita." Lumapit muna ako kay Tita at kiniss siya. Bumaling naman ako kay Kyle.

"Good morning biscuit." Oh diba, forever na ang tawagan naming yan. From Itim at Puti to Biscuit at Gatas xD

Tumayo naman siya nang makita akong palapit sa kanya. Kiniss niya muna ako bago bumati ng good morning din. Gosh, hindi ba siya nahihiya kay Tita? >//////< kasi naman andito kaya si Tita sa harap namin tapos ikikiss niya pa ako.

Pero sa pisngi lang naman >3<

"Mag-breakfast muna kayo bago umalis." Si Tita at nauna na sa kusina. Sumunod naman kami ni Kyle na hawak-hawak ang kamay ko. nakuuuu~ naman.. ang aga-aga, kinikilig ako >///<

"You look so beautiful gatas." Bulong siya sakin at shutaness naman! Sino ang hindi kikiligin dun? XD

"Nambola ka pa biscuit!" hindi ko naman pinahalatang kinikilig ako nu.

"Joke lang. hahahahaha!" sinamaan ko naman siya ng tingin =_= aba naman, bawiin ba naman ang sinabi!

"kdot." Nauna na akong umupo sa kanya dahil na-bad trip niya ako. Ang aga-aga, nagpapakilig tapos mang-aasar lang??

Umupo na din sa tabi ko si Kyle.

"Oy Gatas, sorry na. Hindi naman talaga ako nagbibiro eh. Ang ganda mo kaya ngayon." Sabi pa niya pero hindi ko siya pinansin at kumuha lang ako ng mga pagkain. Ikakain ko na lang ito.

"Bakit, anong problema." Tanong naman ni Tita nung marinig niya si Kyle.

"Wala naman. Nagpapasuyo lang itong si Kyla." Tiningnan naman ako ni tita na para bang nagtatanong kung totoo ang sinasabi nito. Kaharap ko lang kasi si Tita. But instead of answering her ay tiningnan ko lang si Kyle ng masama, ulit.

"Wala Tita. Badtrip lang ako." Yun lang ang sinabi ko at kumain na.

Bahala siya diyan.

~~

Hindi ko na pinansin si Kyle hanggang sa makarating na kami sa school.

Kahit anong pangungulit na gawin niya ay hindi ko pa din siya pinapansin. Asa siya =_= ang ganda-ganda na ng simula ng araw ko tapos gaganunin niya lang?

Naghiwalay kami nung pumipila na para sa pagbabayad sa cashier. Hindi ko kasi siya hinintay. Asa pa siya.

Ganun lang kami hanggang sa matapos ako. At siya malapit na rin. Pero hindi ko naman siya iiwan dito.

Hinintay ko siya sa parking lot, sa mismong sasakyan niya. Kasi naman napag-isip-isipan ko rin na ang babaw nung rason para tuluyan kaming magkagalit diba?

~~

Hindi naman ako natagalan sa paghihintay dahil ilang sandali lang ay dumating na rin siya sa wakas. At mukhang nagulat pa nung makita ako.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon