22: Karera

63 7 2
                                    

#HappyXiuminDay :)) hahah birthday ng asawa ko :) huhu ang tanda na niya pero keribels pa din :) hahah ! harthart XDD


~~~~~~~~~~~~


(Kurt's PoV)


Hindi ko pa din lubos akalain na sobrang iba na ang patakaran ng Dark Game ngayon. Kung noon ay hindi nila pinakiki-alaman ang hindi kasali sa larong 'to, ngayon pati inosenteng tao ay hindi na nila sinasanto.

Argh! Kainis naman eh. Mabuti na lang at tinext ako ni Kyla nung sabado kung hindi, hindi ko alam kung kinaya ba nila Ryan at Ace ang mga gunggong na yun.

Hindi ko naman makakaila na sobrang naging malakas sila ngayon. Pero hindi na sila dapat pang tumagal sa larong 'to.

Napailing na lang ako ng maalala ko ang nangyari nong sabado.


*Flashback*

Dinala namin ang sasakyan ni Ryan sa isang medyo gubat na lugar. Pero mukhang gubat na rin talaga ito dahil ang daming puno pero marami na rin ang mga pinutol na. Tamang-tama ito sa plano ko.

Naghiwalay naman kami ni Sean ng pinagtaguan, iniwan lang namin ng basta yung sasakyan ni Ryan. Hindi naman nila pakiki-alam yun, alam namin yun.

Hindi nga ako nagkamali ng hinala, talagang marami ang susunod samin dito. Mabuti na lang at handa si Sean sa mga ganitong biglaang laban.

Kinasa ko naman ang hawak kong baril nang may makita akong mga lalaki mula dito sa pinagtataguan ko. Alam kong masyado kaming dihado dito dahil dadalawa lang kami ni Sean dito. At hindi namin alam kung ilan ang kalaban namin.

Hindi nagtagal ay may narinig na mga putok ng baril, paniguradong si Sean na yun. Nakita ko namang mukhang planong pumunta nung mga lalaki sa kung saan nangyari ang putukan. Syempre, hindi ko naman sila hahayan.

Agad kong binaril ang isa sa kanila na may dala ring baril. By that, nakuha ko ang atensiyon nila. Gumanti naman sila sakin, pero mabilis akong nakapagtago sa isang malaking puno.

Sh*t, hindi ako makabawi sa kanila. Walang tigil kasi nila akong pinapaputukan. Hindi ako makakuha ng tyempo para bumawi sa kanila.

Nung naramdaman kong medyo kumunti na ang mga tumitira sakin ay ako naman ang pumuwesto at binagbabaril na sila. Naka-sampung lalaki akong tinamaan sa kanila.

Sh*t naman oh! Naubusan na ako ng bala.

"Here catch." Napatingin naman ako sa nagsabi nun which is si Sean. Mabuti na lang at nasalo ko ang baling hinagis niya at kelan pa napunta ang isang 'to dito?

"Thanks." Naglagay na kaagad ako ng bala sa baril ko para matulungan ko na si Seanna kanina pa nakikipagpalitan ng putok sa taga- MU.

Halos isang oras din yata kaming nagpalitan ng baril bago tuluyang maubos ang mga kalaban namin. Oo naubos namin sila. Ito ba naman kasama ko ang kalaban nila, panigurado na yun. Kung hindi ko pa nasasabi, si Sean ang pinakamagaling saming lahat pagdating sa mga armas, especially sa baril. Kaya nga siya ang sinama ko dito dahil maliban sa magaling siya ay siya lang ang laging may dalang baril samin.

Nung masiguro naming wala na talagang kalaban ay umalis na kami sa pagtatago sa likod ng mga puno at bumalik sa kotse ni Ryan. Pero gusto ko lang makasiguradong walang may nakaligtas sa ginawa namin, kaya naman nilapitan ko isa-isa ang van na dala ng mga sumunod samin.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon