(Kyla’s PoV)
*yawn* hoh! Grabi, inaantok pa talaga ako. Kanina pa nga ako hindi nakikinig sa discussion. Literal talagang lutang ako. Pano ba naman kasi nung umuwi kami kagabi, dapat mag-aayos pa kami ni Tita ng mga pinamili naming kaso nung umakyat na siya sa taas ay hindi na nakabalik so sinundan ko. Yun pala nakikinig sa pintuan ng kwarto ni Tito (-_-) nang tanungin ko siya kung ano ang ginagawa niya dun, malamang daw nakikinig. May babae daw na kausap si tito, ewan panu niya nalaman na babae yun, pero dahil na intriga din ako ay nakinig din ako. Para na kaming mga baliw sa labas ng kwarto ni Kurt at pinatapos talaga naming yung usapan nila ha! Halos midnight na kaming dalawa nakatulog dahil tinapos pa namin yung dapat tapusin, baka magalit si Kurt eh.
Kaya heto ako ngayon, nakatingin sa teacher pero medyo pumipikit ang mga mata dahil sa antok.
“Ms. Sy!” nagising naman ang diwa ko sa pagtawag sakin ni Sir. Patay T3T
“Yes Sir?” napatayo naman ako.
“Are you listening?”
“Of course, sir.” Liar!
“Then, solve this problem.” Tinuro niya naman yung problem sa board na ngayon ko lang napansin. Agad naman akong lumapit sa board at sinagutan yun, mabuti na lang talaga at basic equation lang ang kailangan dun kaya nasagutan ko pa din ng tama.
“Good! But next time, make sure na hindi na kitang mahuling natutulog sa klasi ko. Understand?”
“Yes, sorry for that Sir.” Napayuko naman akong bumalik sa upuan ko. Nahagip naman ng mga mata ko ang magaling kong katabi na, well as usual tulog na naman. Grabi, imba talaga ang lalaking ‘to. Tulog lang yata ang alam na gawin sa buhay. Bakit kaya naka-black shirt na naman siya? Dapat naka-uniform ang mokong na ‘to eh! Hay, paki ko ba? Bahala nga siya diyan (-_-)
Pinilit ko namang makinig sa discussion kahit sobrang antok pa talaga ako.
May mga naiintindihan naman ako kahit papano pero habang patagal ng patagal, pahirap naman ng pahirap yung mga problem na binibigay ni Sir. Parang piniga yung utak ko matapos ang accounting.
After ng accounting ay P.E na namin at sa kasamaang-palad ay nakalimutan kong may presentation pala kami ngayon. Hay, bat ang malas ko yata ngayon? Lord, sana wag niyo ng dagdagan pa T.T please
Ano kaya ang gagawin ko? Ayoko kong sumayaw, kakapagod ang isang yun. No, choice ako kundi ang kumanta na lang. kina-usap ko naman yung classmate kong may dalang gitara kung pwede kong mahiram yun after ng performance niya. And good thing, pumayag naman siya. Mabuti na lang at marami akong kabisadong chords ng mga kanta. Pero yung pinili ko ay yung madali lang.
Yung tinawag naman ako ay agad naman akong pumunta sa harap nilang lahat at na-upo sa silyang nakalagay dun at kinalma muna ang sarili ko, kinakabahan kasi ako dahil baka pumiyok ako o kaya mali yung chords ko.
Nag-strum naman ako kaagad ng gitara.
(np: When you was my man lyrics.).
Matapos kong kumanta ay timingin ako sa kanilang lahat at nagpalakpakan naman sila bigla. Woah, ano yun? Hindi kasi ako nakatingin sa kanila kanina. Nag-bow naman ako kaagad.
“Very Good, Kyla. Ang ganda ng boses mo. Did you undergo training? I mean vocal training?” sasagot na sana ako ng oo, ibang training kasi ang ginawa ko eh.
“Hindi po Ma’am. Hilig ko lang po talaga ang kumanta.”
“Then I suggest, na kumuha ka ng voice lesson. Ang ganda ng quality ng boses mo.” Waahhh! Tama na Ma’am, flattered mats na ako (^_^)
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!